Chapter : 23
Same room
KESSEZ POV
kagaya nga ng sinabi ko babawiin ko ang akin napangiti ako dahil pina imbistigahan ko kay Vlad kung naka apilido ba kay Mica ang Valdez pero hindi ibig Sabihin wala siyang karapatan sa company namin
Ang lakas ng loob nila na kunin ako bilang chef ah? Ewan ko lang kung Hindi lumaki ang mata nila pag nakita nila ko na Buhay na ako si Kessez ang sikat na chef akalain mo yun Hindi nila ko na kikilala hindi siguro sila na nonood ng TV
Nag lalakad palang ako sa entrance at daig ko pa ang artista dahil Meron pang nahulog Yung dala ng nakita ako yung iba naman sinusundan ako ng tingin Yung iba naman naka tulala sakin at yung pinag bubulungan ako
"Diba siya Yung sa TV ?.."
"Siya Yung Chef diba ? "
"Hala oo nga noh?"
"Siya Yun diba ?"
"Parang may kamuka siya "
"Ang ganda niya sa personal "
Alam niyo ba kung nasaan ako ngayon? Nasa Lee company ako sinong mag aakala na makakatapak uli ako sa Lugar na Ito? Pero ngayon nag lalakad na uli ako Dito nakarating ako sa 24th floor kung saan gaganapin ang meeting
"This way ma'am "
Sabi ng babae sakin at tinuro ang isang pinto na gaganapan ng meeting parang dati lang hinila pa ko Dito at kinaladkad ng guard ang Dami ko na palang karanasan talaga
Pag bukas ko ng pinto ay halos nandoon na silang lahat mukang busy sila pero mukang Hindi pa nag uumpisa ang meeting at mukang bigatin ang mga nandito at ng nilibot ko ang tingin ko ay nakita ko kung sino sino ang nandoon Si Dad ,mica ,Darren ,Mr.Florentino ,Carlos , at si feona
Naka upo sa pinaka gurang upuan si Darren nasa center siya samantalang sa gilid niya naman sa Kanan ay si mica sa kabilang gilid niya ay si Dad mag katapat naman si Mr.florentino at feona samantalang walang katapat si Carlos kaya umupo ako sa tapat ni Carlos na upuan na bakante at naka laan sakin hindi ko na agaw ang atensyon nila nung pumasok ako pero na agaw ko yun ng may tumawag ng pangalan ko
" Kessez...."
Napalingon ako sa tumawag at nakita ko na si mica yun nanlalaki ang mata niya sakin at para bang nabigla sa presensya ko at hindi niya inakala na mag kikita siguro kami ngayon ngumiti ako sa kanya ng matamis bago naging isang ngisi yun
Ang kanina na medjo ma ingay dahil sa kwentuhan ay biglang na tahimik ang buong Lugar pero hindi ko yun pinansin umupo ako sa upuan na naka laan para sakin at hindi sila inintindi
Nilibot ko ang tingin ko sa lahat ng nandito sa meeting mukang magandang reunion ito ah ? Akalain mo ba nanaman lahat ng tao Dito ay naging parte dati ng pag katao ko
Tumingin ako sa kanila ng inosente dahil naka tingin silang lahat sakin na parang naka kita ng multo at parang gulat na gulat pwera kay Darren na walang pake tumingin Ko sa kanya at maya maya pa ay umangat ang ulo niya at sakto non ang pag tingin niya sakin kaya nag ka titigan kaming dalawa
Tumingin siya sakin ng balangko na tingin kagaya ng ginagawa niya dati ngumiti ako sa kanya ng matamis pero pag papangap lang naman talaga yun tumingin siya sa lahat bago nag salita
"Let's Start this meeting "
Pambabasag ni Darren sa meeting at nag uumapaw ang pagiging seryoso niya dahil ba nandito si Mica tumingin ako kay mica na ngayon ay tulala sakin ginantihan ko siya ng ngisi