Naka ramdaman ako ng init sa balat kaya naman napa mulat ang mata ko saka ko ginala ang mata ko kung nasan ako ngayon at nasa kwarto pala ako ni Darren tumingin ako sa gilid pero walang Darren siguro ay umalis na siya at mag isa lang ako sa kwarto bumangon ako at pumunta sa kusina
At pero na abutan ko si manang na nag lilinis sa Sala kaya lumapit ako sa kanya" Manang ako na po jan "
Sabi ko sa knya agad naman siyang napatingin sa akin na parang nagulat pa Bago ngumiti at sinuri pa ang kaubuuan ko
" Nakong bata ka ako na dito ang sabi ni Darren ay humiga ka lang daw Muna sa kama at baka daw ay mahimatay ka at siguraduhin ko daw na kakain ka at sabi rin ng Doctor kumain ka agad ng mag kalakas ka Sige na ija mag almusa kana "
Sabi niya at nag tuloy sa pag wawalis ako naman na tigilan Teka doctor? May pumuntang doctor Dito at sabi ni Darren ay humiga lang ako sa kama at kumain agad nag aalala ba siya sakin ? Oo nga pala baka sinabi lang ng doctor yun sa knya at baka pag may nangyari na masama sakin ay konsensya niya pa kaya siguro ganun bat ba ang feeling ko lagi?
Ng natapos siya sa pag wawalis ay pumunta kami sa kusina at inasikaso niya ako kahit sinabi ko na kaya ko naman at malakas na ko binigayan niya pa ko ng gatas nung una ay ayaw ko pang inumin pero pinilit niya ko kaya ininom ko na rin
" Manang baka sumakit Yung likod mo kaka laba jan ako na po "
Sabi ko ng makita na kusot siya ng kusot eh may washing machine naman kami dito sa bahay .tumingin siya sakin Bago tumawa ng konti kaya ako naman napa kunot ang noo kasi may nakakatawa ba sa sinasabi ko?
" Ano ka ba ija kaya ko na Ito "
Sabi niya at nag tuloy sa bag kusot mukang basahan ata ang nilalabahan niya tumingin bako saglit Bago yumuko at kumuha rin ng isa saka kinusot kaya agad na baling sakin ang tingin ni manang
" Nako ija akin na iyan mag pahinga ka na lang "
Sabi niya at kinukuha ang kinusot ko pero ngumiti lang ako sa kanya kaya ko naman talaga ma syado silang nag aalala kaya ko naman ang sarili ko saka na kaka boring din wala akong ginagawang iba
" Malakas din ako manang kaya ko na po "
Sabi ko sa knya at tumawa ng bahagya tumawa rin naman siya saka ngumiti sakin saka nag kusot uli
" Sige na nga at mukang Hindi mo ko tatantanan "
Sabi niya at muli ng nag kusot tapos pareho kaming tumawang dalawa at ngayon ay nasa Sala na kami mag pupunas pala siya ng sahig kaya pala nilabahan niya ang basahan kaya na kiltulong din ako sa pag pupunas sa sahig saka sa bintana sobrang lawak kaya ng bahay na toh noh
Nag pupunas ako ng bintana ng maka rinig ako ng pag bukas ng pinto pero hindi ko yon pinansin at nag tuloy lang sa pag punas ng bintana habang si manang naman ay nag pupunas ng sahig lilingon sana ko ki mananag ng may mag salita
" Anong ginagawa niyo ?"
Para kong nag ugat nung narinig ko ang boses niya pero lumingon ako sa pinto at siya nga yun naka kunot ang noo niya habang naka tingin lang sakin at parang kinu kwestsyon ang pag pupunas ko
Teka ang aga niya naman wala pa ngang tanghaliaan nandito na siya may naka limutan ba siya ? O mag bibihis lang ? Nag lakad siya pa punta sa gawi ko kaya naman na palunok ako ng makita na may pag ka inis ang mga mata niya
" Nag pupunas kami ijo makulit iyan kahit paulit - ulit akong sa pag papa alala na ako na lang at mag pahinga na lang siya "
Sabi pa ni manang Bago tumawa ng mahina kaya napa tawa rin ako kanina pa kasi siya sa pag papa alala talaga bawat hakbang ko dinaig niya pa Yung nanay ko sa pag papa alala kanina kaso nawala ang tawa ko ng palingon ko ki Darren ay masama ang tingin sakin