Chapter 17

3.5K 71 5
                                    

Chapter : (17)

Pregnancy test

KESSEZ'S POV

Napanguso lalo ako ng sabihin niya yun pano ba naman tumatawa siya muka na ba kong Patay gutom ? Tumayo ako at kinuha Yung kinakain ko pero narinig ko pa ang pag tawa niya kahit na naka layo na ko

Nag sunod sunod ang araw na nagiging Patay gutom na talaga ako hindi ko ma intindihan ang nangyayari sakin pag gusto ko Yung pag kain hindi ako titigil hanggat hindi ko yun na kakain pero lagi ko rin hinahanap Yung apple mango

ngayon naman ay nasa office ako ni Darren at yun naka nganga lang habang si Darren naman ay nasa meeting sa mga empleyado

Naka kakatamad talaga yung trabaho ko  pano ba naman ang trabaho ko Dito ay tiganan lang kung may kulang ipapa alala ko Yung mga importante na gagawin niya at I che check ko kung may kulang sa papa permahan hindi ako bababa O aakyat ayat

Dahil si Darren mismo ang nag dadala ng pag kain sakin kaso yun wlang papapermahan kaya naman para kong reminder lang na sasabihin kung anong gagawin niya kahit naka lagay naman yun sa papel

Lumabas ako sa building at lumabas gusto ko nanaman ng Apple mango kaya bumili muna ko.  dun sa matandang nag bebenta nun saka bumalik sa office na kakatuwa nga dahil hindi ko na kailangan mag hiwa hiniwa niya na kasi tapos nilagay sa plastic labo

Pag balik ko naman sa office ni Darren ay wala pa siya doon kaya nilantakan ko ng nilantakan Yung dala kong apple mango napatingin ako sa harap ko ng may ma hagip na tao yun na naka upo sa sofa at halos mabulunan ako ng makita ko si Darren na parang tuwang tuwa na Makita akong maging Patay  gutom

Nag tuloy tuloy ang araw na naging matakaw ako  sa mga pag kain kaya napa tingin ako sa salamin ng parang lumaki ang tiyan ko napasimangot ako lumalaki na Yung tiyan ko

Pag labas ko doon ay Sinuot ko na Yung business attire ko saka bumaba at pumunta sa lamesa para kumain ng umagahan hindi ko talaga matiis ang pag kain magiging baboy ata ako

pag bukas ko ng rep may na amoy akong peanut butter at parang binaliktad Yung sikmura ko agad akong napa takip sa bunganga ko at pumunta sa hugasan at sumuka
Nanlalaki ang mata ko at parang hindi ako maka paniwala sa na realize ko

Nag hugas ako ng bibig ko habang ma lalim ang iniisip ko totoo kaya ? Pero isang beses lang namin yun ginawa hinawakan ko ang tiyan ko pwede kayang may bata na sa loob nito ?
Magiging Ina na ba ko?

nung una ay binabaliwala ko lang kasi Hindi naman ako nag susuka tuwing umaga at parang imposible yun. Pero ngayon may laman na ang tiyan ko bibili na lang siguro ako ng pregnancy test?

Ganun nga ang ginawa ko bumili ako ng ibat ibang pregnancy test ibat ibang brand po pare parehong pregnancy test una kong nag try sa pinaka magandang pregnancy test pumasok ako sa loob ng cr at ginawa Yung mga naka sulat doon na gagawin nag hintay ako ng minuto bago ko tinigan ang naging result pero ng makita ko ang result para kong nanlumo dahil ang result ay negative isang guhit lang ang nandon

Tinago ko nag result nun saka pumunta na sa office ni Darren alam kong nag expect din siya na buntis nga ako kaya siguro dapat niya rin malaman na hindi talaga buntis dahan dahan kong binuksan ang pinto ng office niya at pag bukas ko ay siya ang bumungad Sakin

Nag ka titigan kami pag bukas ko ng pinto lumapit naman ako sa kanya at kinuha Yung pregnancy test saka ko yun nilapag sa Dest niya lumiwanag ang muka niya at gumuhit ang ngiti sa labi niya agad agad niyang kinuha ang result at ng makita niya yun ay nawala ang kinang ng mata niya

Tumitig siya sakin ng matagal at para kong Baliw na tumulo ang luha ko kaya tinakpan ko ang muka ko at ilang saglit pa naka ramdam ako ng may yumakap sakin kaya sumandal ako sa dibdib niya at dun umiyak ng umiyak akala ko rin talaga buntis na ko buong akala ko may bata na sa sinapupunan ko pero wala pala talaga

FAKE MARRIAGEWhere stories live. Discover now