Chapter : 30
Fake
KESSEZ POV
Nagulat ako ng bumungad sakin si Darren habang may naka alalay sa kanya na lalaki at mukang lasing na lasing siya pero hindi naman talaga siya nag lalasing ng todo ano naman kaya ang dahilan niya kung bakit na lasing na lasing siya ngayon dahil kung titigan siya ngayon parang hindi niya na kayang maka tayo sa sarili niyang paa
" Mrs.Lee Ina lalayan ko na po siya papunta Dito "
Sabi ng lalaki sakin na mukang pagod na rin sa kakabuhat kay Darren kaya naman nagulat ako doon wag niyang sasabihin na dito niya papatulugin si Darren ? May sarili na man siyang kwarto
"Huh? Pero hind--"
Mag sasalita pa sana ko para mag reklamo pero naputol din yun ng mag salita ang lalaki na nag bubuhat kay Darren
"Mrs.Lee iiwan ko na po siya dito papagalitan po Kasi ako ng amo ko pag nag tagal pa po ako Dito "
Sabi pa ng lalaki at mukang takot nga talaga Siya sa amo niya mukang tumakas lang siya doon para ihatid si Darren at baka dahil sa pag hatid niya pa dito ang Dahilan kung ma tatangal siya pag nag tagal pa siya
"Sige ako na bahala sa kanya ,salamat po"
Sabi ko at binuhat namin si Darren Hanggang sa higaan at agad din naman umalis Yung lalaki na nag hatid kay Darren sa bahay ko at bakit niya naman kaya hinatid sa kwarto ko si Darren?Sino nag turo sa kanya hindi kaya si mica ? Dahil sabi niya may dadating daw eh pag ka hatid ng lalaki ay agad siyang umalis tumakbo pa nga siya at nag mamadali
Nag kuha ako ng isang plangana na maliit saka isang panyo at nilagyan ko Yung tubig ng alcohol saka tubig na maligamgam saka ko siya nilapitan tumitig ako sa kanya ng saglit saka ko inumpisahan siya punasan sa muka pero napahinto ako at napa titig sa labi niya
Binaliwala ko na lang iyon saka unti -unti tinangal ang botones ng suot niyang kulay puti na long sleeve napalunok ako ng bumungad sakin ang katawan niya iniwas ko na lang ang tingin ko at pinunasan siya pero dahil baka kung saan mapunta ang kamay ko kakapunas sa kanya ay minabuti ko na lang titigan ang katawan niya
At habang nag pupunas ako ay hindi ko maiwanan na mapa titig sa muka niya dahil sobrang amo ng muka tuwing na tutulog siya at ang sarap niyang pag masdan parang na ma magnet niya ang mata mo at hindi mo alam kung ilang minuto ka na ma papatitig sa kanya
Matapos kong mahubad ang suot niyang long sleeve ay tinagal ko rin ang sapatos niya bago siya kinumutan pag ka tapos noon ay umupo ako saglit sa tabi niya at pinag masdan siyang ma igi na realize ko lang na kahit na kilala ko siya ng lubos dati at pangit ang pakikitungo niya habang nag sasama kami sa iisang bahay kahit puro pag papangap lang lahat iyon
Mas lalo ko siyang minamahal bawat araw na kasama ko siya kahit na minsan niya na kong nasaktan siguro ganun naman talaga pag nag mamahal ka ng totoo kaya mo siyang mahalin ng mas todo kahit na nasaktan ka na niya
Na alala ko pa nung una naming pag kikita dati napaka sungit niya pero halos lahat ng babae ay na babaliw sa kanya ma titigan ka lang niya ay para ka ng swerte dahil bibihira siya tumitig sa isang babae ng higit sa 3 sec at para sa kanya at hangin lang lahat ng babae para sa kanya