Pati si mica ay napa tigil din sa pag iyak at sabay kaming nag ka titigan na dalawa at pareho kaming lumingon sa likod kung nasaan siya nagulat ako ng nag iba ang aura niya para bang hindi na siya ang dati kong na kilala
No,hindi niya ma gagawa yon Malabo yon anong motibo niya nag ka titigan kaming dalawa pero naging Blanko ang tingin niya sakin pano niya na gawa iyon ? Nag umpisa na pumatak ang luha ko habang naka tingin sa kanya
Naramdaman ko ang pag bitaw ni Darren sa bewang ko kaya naman naka lakad ako palapit sa kanya pano niya nagawa ang bagay na iyon kahit may clue na ko gusto kong mang galing mismo sa bibig niya iyon para maniwala ako pero kung siya nga para na kong nang hihina habang iniisip ang bagay na iyon
Nag lakad ako sa kanya habang isa isang tumulo ang luha ko No,siya ang dumamay sakin ng mga panahon na mahina ako pero siya rin ba ang dahilan kung bakit ako na durog ? Humakbang pa ko sa kanya habang naka titig sa kanya
Pero napatigil ako sa pag lalakad ng makita namuo ang luha sa mata niya at nag umpisa na rin siyang umiyak ng umiyak pano ? Pano niya nagawa ang bagay pero bakit ba ayaw maniwala ng utak ko bakit Hindi ko kayang tangapin dahil ba na niwala ako na isa siya sa taong totoo na nakilala ko pero bakit ngayon parang nakaka duda na
Naka titig ako sa kanya habang na iyak siya naman ay umiiyak na rin habang naka titig rin sakin bakit siya umiiyak ,bakit !. Diba wala naman siyang kasalanan. Kaya bakit siya umiiyak Bakit ganyan ang pinapakita niya
" Bakit manang ,totoo ba ?.."
Sabi ko sa kanya tatlong hakbang mula sa kanya ako huminto at dahil sa sinabi ko ay lalong lumalakas ang iyak ni manang at humikbi na rin siya habang naka tingin sakin kaya para kong nang hina ng dahil doon nanginginig ako at pilit kong pinupunasan ang luha ko pero parang ayaw niyang tumigil
" Diba manang hindi Ikaw ?....bakit ka ba na iyak manang ...BAKIT!."
Sabi ko sa kanya habang umiiyak at para kong nanghihina bakit siya ?bakit sa Dami ng tao makaka gawa noon ay siya pa ? Tinuring ko siyang parang pangalawa at parang tunay na nanay kaya bakit niya ginawa iyon sakin ?
May ginawa ba kong mali sa kanya ? Na sobrang laki kaya niya ko tinulak O kahit maliit na kasalanan ? Para magawa niya iyon at halos bumigay na talaga ako sa sinabi niya
"Oo ...ako....nga"
Bigla niyang sabi na na uutal pa gusto kong sabunutan ang sarili ko buong akala ko Meron maging totoo sakin pero naging fake nga siguro lahat tumitig ako sa kanya at para kong nang hihina bulag ba ko ? Para Hindi mahalata na peke lang ang nga naka palibot sakin
"Bakit ...manang ,bakit? Anong nagawa kong kasalanan ?bakit kailangan mo i damay ang anak ko"
Sabi ko sa kanya habang patuloy sa pag agos ang luha ko bakit kung sino pa Yung mabait sayo sila pa yung traydor madalas ? Bakit kung sino pa ang pinag kakatiwalaan mo ay sila pa pala ang loloko sayo tinuring ko siyang parang tunay na nanay pero hindi ko inakala na isa siya sa taong gusto kong Sirain at wasakin
" DAHIL WALANG HIYA ANG TATAY MO NG DAHIL SA KANYA NA MATAY ANG ANAK KO !. "
Bigla niyang sigaw habang umiiyak kaya mas lalong bumuhos ang luha ko dahil na matay ang anak niya anak ko ang dinamay niya ganun ba ? Bakit ganun ? Wala kong ginagawang masama pero bakit nila ako sinasaktan ng paulit -ulit ?
"KUNG HINDI NIYA SANA PINILIT ANG DOCTOR NA ASIKASUHIN ANG NANAY MO KAHIT SINABI NG PATAY AY BAKA NA LIGTAS PA ANG ANAK KO BAKA NGAYON KASAMA KO PA SIYA !."
Sabi niya ng pasigaw habang na iyak hindi ako makapag salita sa sobrang sakit may Sumba ba ko ? Naka Tadhana bang masaktan ako ? May balak pa bang manakit sakin? Meron pa bang taong dadating at sasaktan ako ? Dahil feeling ko pag may dumating pa baka hindi ko na kayanin
