Chapter 8

3.7K 77 2
                                    

Chapter : (8)

KESSEZ'S POV

Katulad ng naka sanayan ma aga na naman akong na gising dahil ma aga rin akong papasok dahil tambak ang gagawin ko sa Florentino company pero Meron pa kong  ibang dahilan at pupuntahan  Bago pumasok sa trabaho

tinext din ako ni Feona  nakakatawa nga eh bumalik kasi siya sa pagiging hyper na parang hindi siya na badtrip kahapon diba? Pero gumaan din Ang loob ko ng dahil doon dahil ibig sabihin Hindi siya galit sakin  Ang bilis talaga mag Bago ng mood niya pero ano naman kaya ang connection niya kay  Mica ? At ako mismo ang aalam non hindi ako pwedeng tumunganga lang kung ayaw nilang sabihin kung sino ba yan si mica ako mismo ang aalam ng sagot sa tanong ko

Nag taxi ako pa punta sa isang restaurant dun kasi ang usapan namin ng  kausap ko walang na kaka alam sa gagawin ko at wala kong balak Ipa  alam sa kanila O sa kahit kanino pag rating ko doon ay nakita ko na si Vlad  Kaya dumiretsyo na ko sa Mesa kung nasan siya

" Bakit mo naman pinatawag  ang katulad kong  gwapo di ba kaya ng power mo? "

Sabi niya pag upo ko kaya na pa irap ako sa kanya dahil sa ngisi niya at kung hindi lang talaga kailangan ng mabilisan sa pag iimbistida kay mica at yung mapag kakatiwalaan   ay Hindi ko siya tatawagan dahil na kaka umay ang ka hanginan niyang taglay

nilapag ko sa harap niya  Yung picture ni mica at mag kasama sila doon ni Darren kaya mukang si mica yon dahil ngiting ngiti si Darren sa picture at isa lang naman ang nakakalagay ng ngiti sa labi niya niya at  nakuha kong yong  picture nayon sa aparador ni Darren nag hanap talaga ako

Tinigan naman niya yun  picture na nilapag ko at saka siya ngumisi malamang kilala niya si Darren sino bang hindi ma kaka kilala sa kanya pero hindi naman sila close at napag usapan din namin na kami lang ang makaka alam ng pag iimbistiga

at may pinrmahan siyang contrata na kapag pina alam niya ay pwede ko siyang kasuhan  at nangako naman siya na susunod kapalit ng pera syempre nung una pa nga ayaw niyang tangapin ang alok ko. Kaya nilakihan ko ang bayad sa kanya magaling kasi talaga siya isang linggo lang ay panigurado may sagot na siya sa Tanong ko

" Jealous?huh?... Kabit bayan ng Asawa mo?"

Sabi niya at nag cross arm sa harap ko at ngumisi ng na kakaloko kung Alam niya lang talaga,saka hindi naman kabit si mica mahal siya ni Darren at wala kong balak sabihin sa Baliw  na Ito ang totoong dahilan kung bakit ko pina iimbistigahan si mica

"Nope, alamin mo lahat ng tungkol sa kanya kung sino magulang niya ,Ilan ex niya sino sino ang malapit sa kanya ,kaibigan kamag anak  kahit Yung mga simpleng bagay tungkol  sa kanya Basta lahat ng kaya mong masagap  "

Sabi ko sa kanya alam kong may tinatago pa sila sakin tungkol sa pag ka tao ng mica na yan ano ano naman kaya ang Meron siya na wala ako ? Siguro marami dahil kahit ako ang kasama ni Darren siya parin ang hinahanap at hindi ko siya mapalitan sa puso ni Darren at para bang pag aari niya iyon

Sunod kong nilapag sa lamesa ang napulot kong picture na hindi makikala at may naka lagay sa likod na pangalang  Rosey mica Valdez   nakita ko ang paseryoso ng aura ng dahil sa nabasa niyang apilidong
" Valdez "  hindi malaki ang pamilya namin at kilala namin ang bawat myembro kaya nakaka pag taka kung sino ang babae yun na may apilidong Valdez at hindi ko rin naman alam kung si mica ba yun O pareho lang sila ng pangalan.

" Napulot ko Ito sa isang Daan alamin mo ang connection niya sa Valdez  O  kung siya ba si mica na kasama jan ni Darren sa litrato "

Sabi ko sa kanya tumitig siya doon Bago tumitig sakin na naka kunot na ang noo at nag seryoso na siya ganyan siya pag na iintriga na siya sa iimbistigahan niya at mabuti kung ganun ang takbo na ng utak niya at  siguro ang naka agaw ng pansin niya ang apilidong "Valdez"

FAKE MARRIAGEWhere stories live. Discover now