Simula

94 5 0
                                    

Makalipas ang isandaan at dalawampu't taon ay nakaapak muli ako sa lupa. Napatingin ako sa aking sarili dahil bigla akong nagkaroon ng damit. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang aking paa na kumikintab pa. Maging ang haba ng aking buhok na ngayon ay hanggang bewang na lamang.

Nalipat ang aking tingin sa mga tahanang hindi kalayuan sa dalampasigan. Nakapagtataka dahil maraming mga bahay ang nakatayo rito, samantalang dati naman ay puro talahiban pa. Nakapapanibago.

Hinakbang ko ang aking mga paa patungo sa kinaroroonan ng mga bahay. Nadaanan ko ang kumpol ng sa tingin ko ay mga mangingisda. May mga lambat kasi ito at pinagkakaguluhan ng ilang kababaihan ang kanilang nahuling mga isda. Hindi ko tuloy maiwasang magkaroon ng munting awa sa mga isda. Paniguradong mayamaya lang ay lamang-tiyan na ang mga isdang ito.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, pilit inaalala kung ano ang wangis ng kubo na tinutuluyan ni Inang Lucia. Hindi ako maaaring magkamali. Baka sa kawalang pag-iingat ko ay sa ibang bahay ako kumatok. Nakakahiya naman pag ganoon.

Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan. Sa wakas ay nakita ko na rin ang bahay ni Inang. May kalayuan sa ibang mga bahay. At nang pagmasdan ko maigi ang pwesto nito, mas malapit itong bahay na ito kung saan ako umahon kanina. Nagpakalayo-layo pa ako, mas malapit na pala ako kanina. Pambihira!

Walang paalam akong pumasok sa pinto niya, hindi naman ako nagkamali dahil naroon siya sa loob, "Inang Lucia, mamayang gabi po ay unang kabilugan ng buwan para sa taong ito. Nais po kayong papuntahin ni dyosang Aman Sinaya. Bibisita rin po kasi ang dyosang Mayari." 

Moonlit NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon