Kabanata 4

41 3 0
                                    

Nang makauwi ay agad na nagluto si Inang. Mamaya niya na lang daw sasabihin kung ano. Ayaw niya rin akong hayaan na manood sa kanya kaya heto ako ngayon, nakaupo sa tapat ng durungawan.

Sumasabay sa hangin ang alon ng dagat. Nakikihalo rin sa amoy ang bango ng niluluto ni inang.

Ilang minuto pa ang lumipas ay tumungo na siya sa akin. May dalang maliit na lalagyan.

"Oh ayan, para kay Keela 'yan." ngiti niya sa akin.

"Ang akin, Inang? Wala?" kunwaring tanong ko.

"Anong iyo?! Magtigil ka!" sinamaan niya ako ng tingin na dahilan ng aking agad na pagtawa. Napabuntong-hininga siya.

"Binibiro lang kita, Inang," sambit ko nang humupa ng kaunti ang aking tawa. Tumayo na ako sa upuan, "Alis na po ako. Maraming salamat, Inang."

Tumango lang siya sa akin kaya lumabas na ako. Ngunit agad ding napabalik.

"Inang, paano ako makakalangoy? Meron akong dala," naguguluhan kong tanong. Naisahan ako roon, a!

Nakita ko ang kanyang pagpipigil ng ngiti, "Sumakay ka sa tricycle. Sabihin mo sa tsuper na ibaba ka sa Barrio de la Cruz. Isandaan ang bayad dahil malayo iyon." may inabot siya sa aking kulay lila na pera. May mukha pa ito ng isang lalaki.

"Ayaw mo ba iparanas sa akin na sumakay sa malaking sasakyan, Inang? Iyong maraming sakay sa loob?"

Nagsalubong muli ang kanyang kilay, "Hindi na, sa tricycle na lang. Atleast you're special there."

May panunuya sa tono ng huli niyang sinabi. Pambihira.

"Thank you, Inang. I'm always welcome!" tumalikod na ako at lumabas. Grabe! Ginaganoon ako ni Inang?!

Sinunod ko ang kanyang sinabi at dumating naman ako ng matiwasay sa barrio. Nahirapan nga lang ako ng kaunti. Sa entrada kasi ng barrio ako dumaan, mas maraming tao. Napapatingin pa sila sa akin. Pambihira!

Napawi lang ang aking inis nang makita ang mukha ni Keela na nasasarapan sa luto ni Inang. Nakawawala ng inis ang batang ito, sa totoo lamang.

Sumapit ang katanghalian at hinatid ni Lara si Keela sa eskwelahan kaya naiwan akong mag-isa rito sa kubo. Tulad ng lagi kong ginagawa ay nakatingin lamang ako sa dalampasigan mula sa bintana.

Sa katahimikan ay napapitlag ako sa narinig na katok sa pinto. Pumunta agad ako sa pintuan.

Nagulat ako nang tumambad sa akin si Liam nang mabuksan ko iyon, "Hi? Nandyan ba si Keela? Gusto ko sana siyang isama sa mall sa sabado." ngumiti siya sa akin.

Napatulala ako. Nakamamangha talaga ang kanyang mukha. Ang makapal nitong kilay at matangos na ilong ay bumagay sa kanyang hitsura. Maging ang mata niyang nagbibigay ng maraming emosyon at ang manipis na mapulang labi.

Muli ay ngumiti na naman siya sa akin na lalo kong ikinatulala, "Please do tell her, miss. I have to go. Bye."

Hanggang sa pag-alis niya ay naiwan akong nakatulala sa pintuan. Kung hindi pa dumating si Lara ay hindi ako babalik kinauupuan ko kanina.



KINAGABIHAN AY NAISIPAN kong tumambay sa dalampasigan. Nakaupo lang ako sa buhanginan habang nakatingin sa mga talang kumikinang.

Naalala ko tuloy 'yong sinabi sa akin ng matandang babae isandaa't dalawampung taon na ang lumipas, kung malungkot ay tumingin lamang sa mga tala. Nakagiginhawa raw kasi, puro at totoo.

"Hey." napahawak ako sa aking puso dahil sa gulat at napatingin sa aking kanan. Tumabi sa akin ang binatang nagagawa akong mapatulala. Pambihira!

"It's already past 10 pm, miss. Why are you still here?" tanong niya habang nakatingin sa karagatan.

Moonlit NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon