"Nice seeing you again here." bungad niya agad sa akin. Nakatutok ang kanyang mga mata sa marahang pag-alon ng dagat.
Bumaling na lang din ako sa aking harapan. Sumasabay sa hangin ang alon at maging ang aking buhok. Kapayapaan.
"Lagi naman akong narito," tugon ko at ngumiti kahit pa hindi niya ako nakikita.
Inayos ko muna ang suot kong mahabang pajama raw ang tawag sabi ni Keela bago ako umupo sa buhanginan. Mabuti na nga lang at malinis ang dalampasigan dito sa barrio maging ang karagatan. Halatang inaalagaan ng mga tao.
Lumingon sa akin ang binata at ginaya rin ako sa aking ginawa. Nang makaupo siya ay may hinila siya sa kanyang bulsa.
"Sit here," sambit niya at ako nama'y naguluhan.
"Oh. I mean, tayo ka muna. Ilalatag ko 'tong panyo sa buhangin para hindi madumihan 'yang suot mo." nakangiti niyang sabi sa akin.
Gaya ng inutos niya ay tumayo ako at inilatag niya nga ito. Patag pa talaga at hindi hinayaang magugusot sa pagkaupo ko.
"Paano naman iyang sayo?" nag-aalalang tumingin ako sa kanyang inuupuan.
"Nah, it's okay." sagot niya sa akin bago binaling ang tingin sa harap.
Ninamnam ko ang hanging humahaplos sa aking balat. Biglang nagsalita si Liam.
"How are you? Nag-enjoy ka rin ba kanina?"
Ngumiti ako kahit na hindi siya nakatingin, "Oo naman, ngayon ko lamang naranasan iyon."
"Ngayon lang? What do you mean by that?" naguguluhan niyang tanong at salubong ang kilay na napalingon sa akin.
Bigla akong natigilan. Alangan namang sabihin ko na walang ganoon sa ilalim ng dagat. Mas lalo siyang maguguluhan, hindi niya pwedeng malaman.
"Ah... sa probinsya niyo?" tila naliwanagan ang kanyang mukha. Nagdulot din ito nang pagluwag ng aking hininga.
"O-oo, ganoon nga..." tugon ko at umiwas ng tingin.
"Kumusta na pala 'yong trabaho mo?" pag-iiwas ko ng paksa.
"Doing fine. Busy na uli. It helps me to divert my attention, though I really miss my friend." wika niya na may bakas ng kalungkutan sa tono.
"Ano nga pala trabaho mo?" pagta-tanong ko dahil sa kuryosidad. Naalala ko noon, maraming mahihirap ang naghahanap-buhay sa kabila ng hirap at, pagmamalupit ng mga dayuhan. Ngayon kaya, ganoon pa rin?
"I'm working on my dad's company..." sagot niya sa akin.
Nakinig lang ako sa kanyang mga kwento. Sa tingin ko ay kabilang si Liam sa mga taong may sinasabi sa lipunan.
Tulad ng gabing natatapos, natapos din ang usapan namin nang sinabi niyang umuwi na ako upang magpahinga. Kailangan ko raw ng sapat na tulog. Kaya sabay naming nilisan ang dalampasigang iyon.
"Lara, aalis ako." pagpapaalam ko. Handa ko na sanang buksan ang pinto ngunit bigla siyang humarang. Ang bilis naman. Pambihira.
"Saan pupunta ang mahal kong kaibigan?" nakakunot ang kanyang noo habang medyo nakataas ang isang kilay. Napangisi tuloy ako sa kanyang reaksyon.
"Tulad ng dating gawi," kumindat ako. Sumusuko siyang nakatingin sa akin.
Sa isang tango niya lang ay natagpuan ko ang aking sariling maligalig na naglalakad palabas sa entrada ng Barrio de la Cruz. Maigi nga at napapayag ko siya agad kanina.
BINABASA MO ANG
Moonlit Night
Genç KurguSa bawat pagsapit ng kabilugan ng buwan ay kailangang mag-alay ng mga sirena ng buhay ng isang tao nang sa gayon ay magpatuloy ang kapayapaan ng karagatan. At ang pagsapit ng unang kabilugan ng buwan sa taong iyon ang nagpasimula ng lahat. [On-goin...