TRIP TO MANILA

602 8 0
                                    

10 tamarind seeds

1 kilo pork; cut

1 onion; sliced

4 tomatoes; sliced

1 labanos; sliced

5 string beans(sitaw)

 kangkong leaves

4 pieces gabi 

2 whole siling haba

YEY! Ilang minuto lang luto na to, OO nag luluto ako ng sinigang na baboy. Paborito ko lutuin dahil kay mama, Parihas namin gusto ang sinigang lalo na kung talagang maasim. Nakaipon ako para makabili ng sangkap ng mga iluluto ko ngayong gabi. Kung bakit? dahil matagal tagal ko na sila bago mapag luto muli.

Mag papakilala muna ako habang pinakukulo pa ang niluluto ko. Ako nga pala si YOHAN GABRIEL SALAZAR. OPPSS! hindi po ako lalaki, BABAE po ako. Marami na nag kakamali sa pangalan ko, na pag kakamalan nila ako lalaki dahil dun. Minsan nga sa skwelahan ko noon na iilagay ako sa listahan ng mga lalaki. Natatawa na lang ako.

Ewan ko ba sa mama ko kung bakit pang lalaki ang binigay nya pangalan sa akin. Ang sabi nya ewan minsan naman gusto lang nya, ganyan talaga si mama medyo magulo. Minsan nga napagkakamalan na mag kapatid lang kami dahil hindi naman katandaan si mama at mukha parin dalaga, Maganda si mama, naiingit nga ako dahil kahit anak na nya ako hindi mahahalata sa kanya. Kung tatanungin nyo ako tungkol sa papa ko? wala ako maikwekwento. Wala ako maiikwento dahil wala ako alam tungkol sa kanya at lumaki ako wala nagisnan ama. Ang alam ko lang patay na sya. Hindi ko alam ang ng yari, kapag tatanungin ko ang mama ko wala sya sinasabi. Nararamdaman ko ayaw nya pag usapan dahil nakikita ko sa kanya ang kalungkutan kapag yon ang napapag usapan. Hindi na muli ako nag tanong, ni rerespeto ko ang gusto ni mama. Alam ko naman balang araw malalaman ko din naman.

Bukas aalis na ako, Haharapin ko na ang panibagong buhay ko. Nag papasalamat ako dahil biniyayaan ako ng talino para maging daan sa pangarap ko. Ayaw nga ni mama umalis ako pero kelangan yon para matupad lahat ng pangarap namin. Kumuha ako ng Exam sa mamahalin skwelahan. Talaga maswerte ako dahil na ipasa ko ang exam at naging full scholar ako. Yun na ata ang pinakamaganda opportunity na natangap ko.

Kumuha ako ng Culinary Kahit alam ko marami magaganda kurso, pero sinunod ko lang ang gusto ng puso ko at ang pagluluto yun. Hindi lang naman yun ang dahilan, Maganda ang offer nila. Kapag mataas ang grades ko, maari ako mkarating sa paris. Kapag natapos ko ang 3yrs dito, sa paris mo maitutuloy ang isang taon. Isa pa meron ng siguradong trabaho.

"Gabby, anak, luto na yan. Masyado ka natutulala dyan"

Hindi ko napansin na nasa tabi ko na si mama. Naku naman napasarap ang kwento ko senyo nakalimutan ko tuloy ang niluluto ko. Agad ko tinikman ang niluluto ko, YUM! ang sarap .

"Ma, ok na po ito . umupo na po kayo don at ako nalang po magahahain don"

Agad naman sinunod ako ni mama, umupo sya sa hapagkainan kasama ang mga kaibigan ko at pinsan ko makakasama ni mama dito habang wala ako.

"Wow mukha masarap naman nyan, ang bango"

"Nakakagutom naman"

Nandito ngayon si shana at james ang dalwa ko bestfriend, si hanna naman ang pinsan ko. Pinapunta ko talaga sila dito para makasama naman sila bago ako manirahan sa manila. Dito na din sila matutulog dahil gusto nila ihatid ako bukas na madaling araw.  Nakakalungkot  na iwan ko sila, sabi naman ng mga kaibigan ko sila ang dadalaw sa akin. Mayaman naman si james at may kaya naman sina shana kaya madali lang sa kanila mag pabalik  balik.

Private  Chef's of mr.Gangster (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon