Trabaho

161 5 0
                                    

(Gabby's POV)

 

"Aaaaahhhhhh " Sigaw ko at kinuros ko na ang braso ko sa mukha ko.

Prrrrrttttttt (preno ng kotse)

Inalis ko ang mga braso sa mukha ko, at bigla ako natumba dahil sa hilo na din, naituon ko ang braso sa sahig at naramdaman ko naman na bigla sakit ng braso ko, ahhh aray!

Lumabas naman ang driver nga kotse.

"Mis mag papakamatay ka ba? kung gusto mo mag pakamatay sa tulay ka tumalon ng wala ka nadadamay" sabi ng lalaki driver

Aba, ako mag papakamatay? e mahal ko ang buhay ko, tatayo na sana ako ng maramdaman ko sakit ng braso ko.

Lumabas naman sa kabilang pinto ang isang lalaki, tiningnan ko sya ang gwapo naman nya at kahit may edad na sya hindi mahahalata.

"Mis ok ka lang ba? dadalhin na kita sa hospital." sabi nun lalaki gwapo.

"Ah ano po O-ok lang po ako "

Pinilit ko tumayo at hinwakan ko ang braso ko, napansin ko rin na meron tumutulo dugo sa siko ko,

Waaahhh pakiramdam ko nahihilo lalo ako sa dugo nakita ko. Ayaw ko makakakita ng dugo lalo na sa katawan ko. Hindi ko namalayan tumumba na pala ako at natumba ng tuluyan.

"Hey miss gising"

Yun na lang ang huling narinig ko at tuluyan ng pumikit ang mga mata ko. Pakiramdam ko bumigay na ang katawan ko dahil na din sa pagod at gutom, lalo na sa duho nakita ko.

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko lahat ay puti,

Waahh nasa langit na ba ako? Lord kinuha nyo na ba ako? bata pa po ako at ako na lang ang i naasahan ng mama ko. Lord please po buhayin mo po muna ako, tutupadin ko muna ang pangarap ko. Lord huhu.

Naramdaman ko na ang tunog na pag bukas ng pinto at may pumasok na isang gwapo lalaki na medyo may katandaan na din.

"Ok kana ba ija?" tanong nya 

"Naku , hindi pa po ako ok, hindi pa po ako handa mamatay" Sabi ko namaiiyak

"Hahahaha " tumawa sya at tiningnan ako.

Naku tinatawanan na ba ngayon ang kamatayan? WAaahh please ayaw ko pa mamatay

"Ija, bubay ka pa nakaktawa ka bata ka !" Sabi nya at ibinaba nya yung mga dala nya nasa plastik

"Talaga po? hindi pa ako patay? Oh lord thakyou" sabi ko

Tumawa lang sya at napansin ko tinititigan nya ako.

"Ano nga pala pangalan mo?" Tanong sa akin ng lalaki nasaharapan ko.

"Gabby po, Yohan Gabriel Salazar po."Sagot ko.

Mukha nagulat sya sa pag papakilala ko, at tinitigan nya nanaman ako,

"Ah e, Panlalaki lang po yung pangalan ko, hindi ko nga po alam kung bakit eto ang pinangalan ng mama ko" sabi ko ulet at tumawa

Ngumiti naman sya sa akin ng malaki, mukha mabaet naman sya at mapag kakatiwalaan.

"Kaya pala, Manang mana ka sa kanya" Sabi nya na hindi ko masyado naintindihan.

"Po? ano po sabi nyo?"

"Ah e wala, sabi ko ija kumain kana at kahapon ka pa ata hindi nakain. Sabi ng doktor dahil sa gutom at pagod kaya ka hinimatay. Tapos masama pa yan bali mo sa braso"

Nawalan pala ako ng malay at napansin ko na umaga na pala, matagal din ako nakatulog.

"Sa Asia Classical University ka ba nag aaral?" Tanong nya at tininganan ang damit ko. tiningnam ko rin ang suot  ko, Naka uniform pa din pala ako.

Private  Chef's of mr.Gangster (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon