tibok

128 3 0
                                    

Gabby's POV

Maaga ako gumising dahil ngayon araw mag sisimula ang pag sundo at pag hatid ni Mr gangster sakin. OO gangster nga sya waahh

Simula ng nalaman ko yun para naman ako natakot sa kanya. Pero ang astig nya dahil hindi halata. Sa gwapo nya yan? Kahit sino hindi pag kakamalan gangster yan.

Bakit ba bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko. Meron na ba talaga ako sakit sa puso? Napalingon ako sa kanya at pakiramdam ko lumulutang ako

"Wag mo ako titigan. Nag dridrive ako at baka bigla ako malusaw "Sabi nya na hindi umaalis ang tingin sa harapan

"Tss yabang" Bulong ko

"Meron ka ba sinasabi?" 

"W-wala po sabi ko po malapit na tayo sa school" Palusot naman nya

Nabalot ng katahimikan sa loob ng kotse siguro Awkward na.  Nakarating na kami sa School namin at bumaba na. 

Habang nag lalakad naman kami. Para na ako pinpatay sa mga tingin nila

"Sila na ba? bakit sila mag kasama?"

"NO! ang probinsyana yan"

"Hindi sila bagay! kami lang ang bagay !"

Yan lang naman ang mga bulong bulungan dito .Hayy kung nakakamatay ang titig nila siguro pirapiraso na ako ngayon.

Hanngang dito sa classroom namin ganon pa rin ang tingin sa akin. Pumasok na si yohan sa unang klase nya kaya eto ako. Kulang na lang sabunutan ng mga babae

Nakaupo na ako ng lumapit si Rocell sa akin.

"hi Gabby kamusta kana ok kana ba?"

"Hah? a-lam mo? ang ng yari?"

Nag nod lang sya sa akin. Paano kasi wala ng nakakaalam non.

Kinuwento naman nya sa akin ang ng yari nung araw na yon.

Dahil sa kanya buhay pa ako ngayon. Waahh buti na lang kaibigan ko sya.

"Alam mo ba nung sinabi ko nasapanganib ka? si Yohan halata sa kanya ang pag aalala" sabi nya

"H-ha? talaga?"

"Oo ,Ano ba meron sainyo?"

"W-wala naman "

Mabilis ang oras at natapos din ang klase namin. 1hour pa aantayin ko bago matapos sina yohan.

Papunta ako ngayon sa locker ko para ilagay muna ang ibang gamit ko.

"HOY ! PROMDI GIRL!"

Napalingon ako sa babae tumawag ng ganon sa akin . Nakita ko lang ang babae nag mamaarte sa room at si trisha lang naman. Classmate ko lang sa tourism subject at kasama ang mga alipores nya.

"Sino may sabi sayo pwede mo lapitan si yohan? " Sabi nung trisha

Aba ! ano din ang paki alam nya kung lumapit ako.

"Bakit nama?"

"Dahil ako ang gusto nya, sayang lang at hindi ko pa sya sinasagot"

So? wala naman ako pakialam sa kanya. pssh maganda ng pangit naman ang ugali. Bagay sila ni yabang.

"Oh edi sagutin mo" Pag kasabi ko ay tinalikuran ko sila.

Pero bago pa ako makahakbang. Naramdaman ko na ang kamay nya sa buhok ko.

"Aa-a masakit !!!! BIITAWAN mo ako.! A-ahhhck"

"Freak! Your ugly creature ! Dapat lang yan sayo" Sabi nya habang sinasabunutan na ako.

Private  Chef's of mr.Gangster (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon