(Rocell'sPOV)
Natapos naman ang cooking class namin. Kahit hindi kami ang nakakuha ng pinaka mataas ok lang dahil pangalwa naman kami kina Gabby. Kahit ako naman humahanga sa galing nya lalo na sa pakikisama. Napansin ko tumulong sakanya ang blackfire at isang himala yon.
Lumapit sa akin si Gabby. Napansin ko kakatapos lang nila mag usap ni Darvin. Mag kakilala din pala sila?
"Hi Rocell congrats ha" Sabi nya sa akin
"Congrats din sayo ang galing mo naman mukha marami ka alam sa pag luluto?" Tanong ko
"Medyo, bata pa lang kasi ako hilig ko na talaga yun at mahilig din talaga ako mag basa ng mga recipe"
Ngumiti sya sa akin. Actually ngayon lang talaga ako nag kaibigan dito. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko trip ang mga tao dito. Pero noong nakita ko Gabby alam ko ng mabuti sya tao.
Niyaya ko naman sya kumain sa canteen. noong una ko sya niyaya tinanggihan nya ako, alam ko naman ang dahilan nya at naiintindihan ko sya. Kaya ngayon ang sabi ko treat ko sya dahil nakakuha naman kami ng mataas na marka 3points lang ang lamang nila sa amin.
Nandito kami ngayon sa canteen. Umorder na ako ng dalwang lasagna at drinks para sa amin. Kaya ngayon kumakain na kami at mukha nasasarapan sya.
"Lasagna ba to? ang sarap naman. Ngayon lang ako nakakain ng ganito. hindi naman kasi ako makakapag luto nga ganito sa bahay." Sabi nya
Masaya ako dahil kahit papano nakakita ako ng kaibigan na totoo at walang halong plastik ang pakikisama nya.
"Talaga? gusto mo turuan kita gumawa nyan minsan sa bahay para may kasama ako kapag nag prapractice ako mag luto" Alok ko sa kanya
"H-ha? hindi nga? totoo ? tuturuan mo ako? waaahhh naku thank you rocell" Sabi nya at niyakap naman nya ako.
Ilang sandali lang naman natapos na kami kumain. Madami na rin kami na pag kwentuhan tungkol sa kanya. Sabi nya sa akin kaya pala mag ka group sila ng black fire, nag tratrabaho pala sya sa pamilya Salvador.
Nag lakad na kami ni gabby palabas ng campus. Kelangan na daw nya umuwi para makatulong din raw sya sa ibang gawain. Bilib na ako sa kanya.
"Gabby sumabay ka na sa akin meron naman akong Driver"
"Naku rocell wag na ok lang naman mag lakad na lang ako tsaka nakakahiya na din salamat na lang ha? ingat ka." Sabi nya sa akin
Nag paalam naman sya sa akin at Nag lakad na papalayo. Nandito lang naman ako sa waiting shed para antayin ang Driver ko dahil nga na paaga naman ang uwi namin.
Nilingon ko ang direksyon ni Gabby nag lalakad sya papalayo na sa pwesto ko, Minsan gusto ko rin maranasan ang buhay na mahirap. Dahil kahit mayaman ako, hindi ako masaya basta pakiramdam ko hindi ako malaya.
Nagulat ako ng may humarang kay gabby apat na lalaki. OMYGOSH! anong gagawin ko? Waaahhh baka mapahamak sya dahil mukha manyakis ang mga lalaki humarang sa kanya. Naanininag ko pa dahil hindi pa naman sila ganon kalayo sa akin pero medyo tago ang lugar doon at delikado.
Agad ako tumakbo pabalik sa loob ng school at hihingi ng tulong. Saan ba ako pwede pumunta? Isip ako ng isip habang tumatakbo. Nakaisip na ako kung saan binilsan ko ang pag takbo. Lalampasan ko na sana ang porking lot pero napansin ko ang limang lalaki na kakapasok lan sa kotse .
'Bahala na basta maligtas lang si Gabby.'
PRRRTTTTTT (Preno ng kotse)
BINABASA MO ANG
Private Chef's of mr.Gangster (on hold)
Ficção AdolescenteIsang babae nangarap na umahon sa kahirapin sila mag ina Taglay nya ang talino at talento sa pag luluto. Isang babaeng palaban at may pangarap At isang babaeng matapang na harapin ang lahat Paano kung makilala nya taong maaring maging kahinaan nya? ...