"Hold my hand"
Nagulat ako ng sinabi nya yun pero agad ko naman sya sinunod.
Hawak nya ngayon ang dalwa ko kamay hangang sa makaratin kami sa pinaka loob at nag skate na kami.
Ang saya ko dahil dati sa tv ko pa lang nakikita to. Ngayon nandito na talaga ako.
"Waah! wag mo ako bibitawan " sabi ko.
"Hindi ka matuto kung hahawak ka lang "
Baka mamaya matumba ako. Pag tatawanan lang ako ng mga tao dito. Pilit nya tinatangal ang kamay nya.
"Hey bitaw !"
"A-ayoko nga bakaAahhh Aray!"Sabi ko
Napaupo ako dahil binitawan lang naman nya ako. huhu Ang sakit kaya.
"Hoy yabang !Bakit mo ako binitawan?!" Sabi ko. Wala naman ako sa trabaho ngayon kaya yabang ang tawag ko sa kanya.
"Baliw ka talaga, ano gusto mo? chansingan ako ? psss" Sabi nya na naka cross arms pa.
Tumayo naman ako ng pilit para harapin sya. Pero pag sinusubukan ko tumayo natutumba lang ako. waah !
Muli nanaman nya inilahad ang kamay nya. Hmp! maawa din naman pala sa akin.
Hinigit nya na ako at umikot
"Waahhh! Y-yohan t-teka lang ano ba waaaaa!"
Tuloy lang sya sa pag higit sa akin pa ikot. Pero unti unti na sya bumibitaw ng hawak at pakiramdam ko kaya ko naman dahil nagawa ko ng hindi na kakakapit sa kanya.
Ang saya ko! Whoah! kaya ko na.
pero nung papalapit na ako kay yohan
Blagggg
Natumba ako kasama nya. waah nasa ibabaw ako nya. Namula naman ang buong muka ko nung nag tama ang mata namin. Agad ako umalis sa ibabaw nya at humiga sa tabi nya.
"Hahahahhahahaha" tawa namin dalwa.
Tumawa lang kami na parang mga bata nakahiga.
Ilang oras din ang lumipas at umalis na kami don. Ang saya talaga. Dadalhin ko si mama dito kapag nakapag ipon na ako.
Lumabas kami ng mall at pumunta sa labas. Ang bilis nama nya mag lakad. Nakakaasar sya.
Wow nakita ko ang dagat. Ang ganda naman .Sinundan ko lang sya at umupo sa tabi nya.
"Dito lagi ako dinadala ni mom"
Napatingin ako sa kanya halata sa boses nya ang pag kalungkot.
"Nasaan na nga pala ang mommy mo?" Tanong ko
Tumingin lang sya sa akin at bumalik na ang tingin sa dagat. Hindi sya umimik.Pero nag hahantay ako ng sagot kaya hinayaan ko manahimik
"Iniwan nya na kami" sagot nya
Parang parihas lang kami kaso nga iba lang, hindi ko alam na ganito pala sya sa likod na maangas nya dating.
"Parehas pala tayo " sabi ko at lumingon sya.
Nanatili lang ako nakaharap sa dagat at ngumiti.
"Parehas tayo iisa na lang ang magulang, Ikaw Dad mo na lang ang kasama mo , ako naman ang mama ko. Maswete ka dahil nakilala mo pa ang mommy mo, Ako? hindi na kahit nga ano wala ako alam sa kanya e, "
"Bakit?"
"Dahil hindi pa ako sinisilang wala na akong ama. Wala naman sinasabi si mama tungkol sa ama ko. Pero kahit ganun? kahit iniwan nya kami? hindi ako nag tanim ng galit kahit patay na sya hindi din sya nawala sa isip ko " Ngumiti ako habang nakatitig lang sa dagat
BINABASA MO ANG
Private Chef's of mr.Gangster (on hold)
Novela JuvenilIsang babae nangarap na umahon sa kahirapin sila mag ina Taglay nya ang talino at talento sa pag luluto. Isang babaeng palaban at may pangarap At isang babaeng matapang na harapin ang lahat Paano kung makilala nya taong maaring maging kahinaan nya? ...