Make over

144 5 0
                                    

Gabby's POV

Mahaba haba ang byahe namin at nakatulog na pala ako. Minulat ko ang mata ko ng maramdaman ko na nakatigil na kami.

Nagulat ako ng makita ko si Yohan na mukha kanina pa ako tinititigan. Para ba may lungkot sa mga mata nya habang nakatitig sya sa akin

Tsug tsug tsug

Iba na ang tibok ng puso ko, Abnormal na, agad ko iniwas ang tingin ko at ngayon ko lang rin napansin sa balikat ni Darvin ako nakatulog.

Naku naman gabby nakakahiya sa tao, baka nangalay na rin.

Umayos ako ng upo at pasimple ko hinawakan ang gilid ng labi ko para i check kung tumulo ba laway ko habang natutulog sa balikat nya.

"Darvin, pasensya na ha? hindi ko namalayan naka tulog na pala ako sa balikat mo" Sabi ko ng tiningnan ko sya, mukha rin bagong gising sya dahil sa lalong pag singkit ng mga mata nya.

"It's ok gabby, nakatulog ka naman ng ayos "

"Pssh" Narinig ko si Yohan, tiningnan ko sya at para ba papatayin kami ni Darvin sa tingin. Problema non? minsan talaga hindi maintindihan ang mood non.

Bumaba na kami nga Van at kinuha ang gamit sa likod.

"Gabby, tulungan na kita dahin yan " Si Darvin pala at kukunin sana ang gamit ko ng

"Bilsan mo dyan! akin na nga yan" Inagaw ni yohan ang gamit ko dala na dapat ay kukunin ni Darvin. Tumalikod na sya at nag lakad dala ang maleta nya at gamit ko.

Humarap naman ako kay Darvin na katabi ko lang " Anong problema non?" tanong ko.

Nag kibit balikat lang sya at niyaya na rin ako lumakad papasok ng resort.

Pag kakita ko pa lang sa resort napa  wow na ako sa ganada. Nakakarating na rin naman ako sa mga resort sa probinsya namin pero hindi sa ganito ka ganda.

Makikita mo ang isang malaki Bahay na may 3rd floor  at kita ang loob dahil sa pure glass ang ibang bahagi ng bahay. Sa kabilang gilid ay isang building, parang hotel.

Nakapasok na kami sa loob at doon ko mismo nakita ang kabuuan.Siniko ko si Darvin ng mahina at kanina pa nasa gilid ko "Kina jake ba talaga to? ang laki naman ng resort na to"

Tumingin sya sa akin"Oo sa kanila to," Inikot naman nya ang mata nya " Ang ganda no? ........... parang ikaw" sabi nya pero hindi ko narinig ang huli nya sinabi.

Kasama ko naman sa Room si Rocell, Tapos si Gello at loida na gf nya , ang iba naman ay tig iisa na

Nandito na kami ni Rocell sa kwarto namin. Malaki rin at meron dalwa single bed. Dapat nga tig isa pa kami kasi marami daw bakante kwarto dito, pero ayaw ko at ganon din si rocell. Gusto kasi namin mag kwentuhan ng mag kwentuhan.

"Rocell, buti sumama ka. Akala ko talaga hindi kana sasama e" Sabi ko habang inaayos ang mga dala ko gamit. Kunti lang naman dala ko dahil wala naman ako ibang damit. Nakakahiya nga, baka maging katulong nanaman ang labas ko dito at nakakahiya naman kung ganon.

" Dapat pupuntahan kita sa binigay mo address kaso sinundo ako ni Jake sa bahay"

Sabi na nga ba. Si jake talaga, nung isang araw pa ako kinukulit para sabihin kung san nakatira si Rocell.

Maganda naman si Rocell kahit tingin ng iba nerd sya dahil sa pag ka hilig nya mag basa ng libro at kung minsan ay meron sya suot na salamin. Pero kahit ganon  ang style nya kita pa rin ang kagandahan at ka sexyhan nya.

"May something ba senyo? "tanong ko at nilapitan ko. Baka kasi nan liligaw na agad si jake

"Wala naman" Sabi nya. Hayy Buti naman

Private  Chef's of mr.Gangster (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon