P R A N K G O N E W R O N G

6 0 0
                                    

One Shot - #2

"Ano game ka ba sa panibagong prank na gagawin natin?"

ngumisi ako sa tropa mo at nag thumbs up.

Madami na din kaming nagawa na prank na pinopost namin sa social media. Napagkasunduan namin na sa gabi gagawin ang panibagong prank. Alas 8 na ng gabi at nasa may eskinita na kami nag aabang ng dadaan malapit sa kalsada upang ma prank. Gagawin ko lang naman ay ang tumakbo na parang takot ka at sasabihan ko o papaniwalain ang mga taong makakasalamuha ko na tumakbo pabalik dahil may humahabol sakin na lasing o kaya'y hinahabol ako ng isang tao na may dala-dalang itak, baril, kutsilyo o kahit ano.

Tawang tawa ako dahil madami na akong na prank minsan yung iba nadadapa pa nga dahil sa kakatakbo.

"Kaya pa ba?" tanong ng kaibigan ko na siyang taga video habang ginagawa ko ang prank.

"oo naman pero last na kasi baka hinahanap na ako sa amin,paniguradong nakauwi na kasi si nanay ngayon mula sa pinag tratrabahoan niyang laundry shop." sagot ko.

Uminom muna ako ng tubig at huminga ng malalim noong may nakita akong ng isang ginang kumaripas agad akong takbo papunta sa nakitang ginang.

Nang nasa tapat na niya ako

"Alang-alang sa apo o anak mo tumakbo ka na dahil may nagrarambolang kabataan na naghahabulan na may mga dalang mga matutulis na bagay!"

sabi ko habang hinihila siya naramdaman ko naman na tumakbo na din ang ginang ngunit agad akong napahinto noong nakarinig ako ng isang malakas na busina ng sasakyan saktong paglingon ko, kitang kita ko kung paano nasagasaan ang ginang na nakatalikod sa akin ng isang humaharorot na sasakyan.

Imbes na lumapit ay kumaripas ako ng takbo pauwi sa sa amin.
Dumiretso kaagad ako sa kusina para uminom ng tubig. Nakita ko naman ang nanay ko habang hinahanda ang mga nakabalot pa na pagkain.

Pumunta ako sa may sala at pinapakalma ko ang aking sarili nang biglang mag ring ang cellphone ko, napagtanto ko na ang kaibigan ko pala ang tumatawag.

"Asan ka na ngayon?! Nakita mo ba nangyari kanina? Bakit ka umuwi kaagad!? Bat di ka tumawag ng tulong para maisalba pa sana ang buhay ng nanay mo!"

"Anong ibig mo sabihin?!" kinabahan ako bigla at agad akong tumayo papuntang kusina, mas kinabahan ako ng makitang wala naman doon ang nanay ko at lalong wala yung mga balot na pagkain na nakahanda.

"Hoy! Andiyan ka pa ba!? Ayos ka lang? Nagulat nga lang din ako noong lumapit ako sa mga taong nagkukumpulan ng mapagtanto ko na nanay mo pala ang na prank natin na nasagasaan dahil tumawid siya papunta sa kabilang kalsada para siguro makaiwas sa kung and mang sinabi mo."

Napaupo nalang ako at napabitaw sa aking cellphone .

-StarGalexia

Random One Shot Stories Where stories live. Discover now