- Ang crush kong transferee -

2 0 0
                                    

One Shot – #13

❝Hala besss! Si ano oh Klievoy! Panigurado dadaan yan sa harap natin kung saan man siya pupunta, sa tingin mo Star saan siya pupunta?❞

❝Baka sa kabilang building? sa taga Grade 9 may gf siya don di ba, kaya kung ako sayo April, tigilan mo na kahibangan mo diyan sa Klievoy na yan.❞

❝Star naman e! panira ka, wala naman daw gf yang si Klievoy mylabs sa section na yon, pinsan lang naman daw e.Hayss! Ang gwapo niya talaga.❞

❝Itulak mo ako ng mahina pagkadaan niya hA Star, isakto mo na malapit siya para masalo niya ako o kaya'y matulungan! Wait retouch lang ako.❞

❝Kalokohan mo talaga April.❞

❝Pumayag ka na Star, Bibilhan kita ng libro na gusto mo. ayos ba?❞

❝Walang hiya ka Pril ginamit mo pa talaga weakness ko! May choice pa ba ako duh❞

❝Good! Ayyy! ayan na siya Star, tulak mo na ako bilis!.❞

❝aAaaaa–ooomMm,❞

nanlaki ang mata ni April dahil saktong tumama ang labi niya sa labi ni Kleivoy.

❝Shit! Ang lambot ng labi niya!❞ patiling sabi ni April sa sarili habang dali daling umayos sa pag tayo.

❝Sooory! Kleiv, Si Star kase biglang nanunulak.❞ pinandilatan niya ng mata si Star.

❝Its okay Miss, pero nasaktan ka ba?❞

❝No, hindi naman. ( shit! ang kissable ng lips niya tapos ang baby face pa). Na– halikan pa tuloy kita.❞

❝Aah, ayos lang.❞ lumapit kay April si Kleiv at may ibinulong.

❝Hahalikan niya siguro ako ulit. waaaaAaaaa!❞ sa utak ulit ni April.

❝Nandidiri ako sa halik like nasusuka ako, pero ang ganda ng lips mo at ang lambot , anong lipstick pala o liptint gamit mo? Bagay sayo e, I wonder kung bagay din ba saken, kase gusto ko i try paubos na din kase yung lipstick ko sis.❞ maarteng sabi no Klievoy.

at literal na nalaglag  ang panga ni April sa sinabi ni Kleivoy sa kanya.

— StarGalexia

Random One Shot Stories Where stories live. Discover now