- When Torpe Meets Papansin -

3 0 0
                                    

One Shot – #7

❝Erebeb! Oy erebeb! Erebus, kailan mo ba ako papansin? Ano ang ingay ko ba? Ang kulit kulit ko na ba?❞

tiningnan niya lang ako habang nagsasalita ng kung anu-ano. Nakagawian ko ng maupo sa bakanteng upuan niya pag wala kaming guro. Lagi ko siyang kinukulit as in lagi kinukulit ewan ko ba kahit ang lamig ng pakikitungo niya sakin kinakausap ko pa din siya.

❝Erebus! Ang gwapo ni Mike noh? pati si Denver!❞ walang bago tiningnan niya lang ako at yumuko lang ulit.

❝Pero mas gwapo ka talaga Erebeb!❞ agad siyang napatingin sa akin.

❝Sabay tayo mag snacks mamaya ha? Dito nalang tayo sa loob kumain wag na sa canteen alam ko ayaw mo don eh.❞

Tumigil ako saglit sa pagsasalita kasi ang sakit di niyaman lang ako magawang kausapin o tingnan ng matagal.Nagsalita ako ulitat pinlit pinasaya boses di ko pinahalata na naiiyak na ako sa pambabaliwala niya.

❝Gusto ko ng spaghetti, o kaya ay pizza tapos juice. Pero mas gusto talaga kita!❞

pero wala ka pa ding imik! tokneneng naman oh aalis na sana ako para bumalik nalang sa upuan ko ng magsalita ka.

❝Kung anong gusto mo yon nalang din sakin, libre mo ha.❞

nawala agad ang ngiti ko dahil sa narinig pero napangiti lang din ako ulit. Okay lang sakin ako naman nag aya. Ngunit pagka break time hindi kita mahagilap. Napangiti nalang ako ng mapait lalo na di ka na din pumasok sa mga sumunod na subject.

❝Cailly! Bat ang tahimik mo?❞  tanong niya sakin pagkatapos ng last subject natin bago mag lunch break.

❝Sorry na kahapon may ginawa lang kasi ako, nag excuse nga ako sa mga teachers natin. Libre nalang kita ng lunch. Wag ka na magtampo.❞

tumango lang ako at inakbayan niya ako.Napangiti ako dahil marunong pala siyang dumamoves  pero di ko pinahalata masyado. Nagtaka ako dahil sa mga titig ng mga kapwa estudyante at pagkadating na pagkadating natin sa canteen bumungad sakin ang isang malaking tarpaulin na may nakasulat na

❝ KULIT , WILL YOU BE MINE? – Erebus Erebeb ng buhay mo ❤.❞

Agad akong napatingin sa kaniya at napansin ko na may dala na pala siyang bulaklak at tsokolate napuno ng sigawan ang canteen pero natigil sila ng kinuha ko na ang binigay niya at lumuhod siya. Like? ano to propose agad? Tapos tumugtog ang kanta ni Maris Racal na Ikaw Lang Sapat Na.

"Ang corny tangina."

❝Alam ko sobrang cold ko sayo, pero hindi ka sumuko na kulitin ako, araw araw napapasaya mo ako,nagising nalang ako na ayaw ko ng mawala ka, na mahal nakita sobra.Hindi pa to proposal dahil ayaw ko magmadali, promise ring ko to para sayo na mula ngayon akin ka na, naalagaan kita at walang ibang dapat lumapit sayo o humawak kundi ako lang at dapat walang ibang gwapo sa paningin mo kundi ako lang.❞

"Aba, possessive pala tong torpedo na to."

kinuha niya ang kamay ko at isinoot sa isang daliri ko ang singsing, napaiyak ako sa tuwa agad niya namang pinahid at hinalikan ako sa noo sabay yakap niya sakin ng mahigpot.

❝Kain lang kayo! Libre ko lahat!❞ sabi niya sa mga taong andun pati sa mga guro.

❝Erebus, pinapapunta ka na ng mama mo sa opisina niya dalhin mo daw si Cailly.❞

Muntik ko ng makalimutan mama niya pala ang principal nitong paraalan namin.

❝Hi,ma!❞ bati ni Erebus sa mama niya. Di man lang ngumiti ang mama niya at tinitigan ako ng seryoso. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Erebeb.

❝Ma naman wag mo namang takutin.❞ lumapit ang mama niya sakin at niyakap ako bigla.

❝Thank you at di mo nireject ang anak ko, matagal na yang may gusto sayo. torpe lang talaga. Aral muna ha, wag muna apo.❞

napatingin ako kaagad kay Erebus at sobrang pula nung mukha niya habang di makatingin ng diretso sakin.

—StarGalexia

Random One Shot Stories Where stories live. Discover now