One Shot – #20
❝Sorry Zaid pero mas mahal ko pa talaga siya, mahal naman kita maniwala ka pero mas mahal ko siya.❞
Di ka makapaniwala sa sinabi ni Atissa sayo, mag tatatlong taon na kayo na magkarelasyon pero puputulin na nito.
❝Atissa, wag naman oh. Akala ko ba okay ka na? Na okay ka na saken na hindi mo na siya mahal?Atissa bawiin mo yon❞
ngunit umiling lang si atissa.
❝Paalam Zaid❞ sabay kuha niya sa palad mo at inilagay ang binigay mo na promise ring at kwintas.
❝Miss okay ka lang ba?❞muntik mo na kasi masagasaan ang isang babae
❝Okay lang ako❞ sagot nito habang pipapapag ang soot na pantalon pagkatapos tumingin sayo
❝Atissa ikaw na ba yan?❞
❝Zaid? ikaw na din ba yan?❞ agad mo itong niyakap
❝Ahhh, Zaid baka naman bumitaw ka na muna? baka mahuli tayo at makagawa ng traffic sa daan❞
Bigla kang nakaramdam ng pagkahiya.
❝Sakay ka muna sa sasakyan usap muna tayo, tagal nating di nagkita eh ilang taon na ba? two years?❞ ngumiti lang si atissa sayo at hindi naman umayaw sa paanyaya mo.
Pagpasok mo sa sasakyan ginagap mo ang kamay ni atissa at pinisil pero binawi lang nito at tumingin nalang sa labas ng bintana.
❝Kumain ka Atissa❞ paanyaya sabay pag-aasikaso mo sa kanya. Dinala mo kasi siya sa isang kainan. Tahimik naman kayong kumakain.
❝Atissa? Mahal mo pa din ba ako?❞ Agad napatitig si Atissa sayo.
❝Zaid, anong klasing tanong yan? May asawang tao na ako Zaid❞
❝Siya ba nakatuluyan mo?❞ tumango ito
❝Atissa mahal pa kita. Maniwala ka kaya kitang tanggapin at buhayin pati mga anak mo kung meron man❞
❝Zaid, Mahal ko siya at may asawa na ako❞
❝Atissa? ano iniisip mo?❞ tanong ng asawa ni Atissa sa kanya. Malayo at malalim kasi ang iniisip nito kaya nagtaka ang asawa. Iniisip kasi ni Atissa ang naging usapan nilang dalawa ni Zaid.
❝Atissa? Mahal, suko ka na ba saken? Nahihirapan ka na ba? Iiwan mo na ba ako?Pasensya na kung napaka walang kwenta ko na asawa ni hindi din kita mabigyan ng anak❞
Agad lumapit si Atissa sa asawa niya na wala ng paa dahil sa aksidenting nangyari dito.
❝Mahal na mahal kita, di kita iiwan mahal. Tandaan mo palagi yan❞
❝Ano yung narinig ko na may naghatid daw sayo na lalaking naka dekotse?❞
❝Ah, yun ba? Si Zaid yun aksidenti kasi kaming nagkita e noong isang araw ng pabili ako ng gamot mo❞
Hindi na sumagot ang asawa ni Atissa nabahala man dahil may sakit pa naman sa puso ang kanyang asawa ayaw niyang mag isip ito ng masama kakausapin niya sana pero napagtanto niyang tulog na pala ito.
❝Mahal, gising na. Aalayan na kita para makaligo ka na, Mahal bat ang lamig mo? Mahaaaaaaaaal!❞
❝Atissa! Pwede na tayong dalawa wala na ang asawa mo sumakabilang buhay na siya.❞ binisita mo kasi si atissa ngunit nakatulala lang ito sa kawalan, nailibing na din kasi ang asawa nito. Tumunog ang cellphone mo kaya nagpaalam ka na lalabas muna ng bahay upang sagutin muna ang tawag ngunit wala pa ding imik si Atissa. Pagkabalik mo
❝Atissa? Atissaaaaa?❞ tawag mo sa kanya ngunit walang sagot agad ka pumunta sa kusina ngunit wala ding tao. Agad ka umakyat sa taas at pumasok sa nakabukas na pinto agad ka dumiretso sa banyo
❝Nooooooo! Atissaaaaaaaa! Nooooo❞ agad mo dinaluhan si Atissa habang pinagsasampal mo ng magaan ang mukha niya. May iilang saksak ito sa dibdib habang may laslas din at bumubula ang bibig dahil sa mukhang may ininom ito na kemikal.
Hindi na nga kayo nagkatuluyan, Nakulong ka pa dahil sa ikaw ang inakusahan na pumatay kay Atissa.
—StarGalexia
