- S O B R E -

1 0 0
                                    

One Shot – #18

"Lola, may naghahanap na naman sayo"

"Sandali lang apo, Teka pumarito ka muna sa kusina, bantayan mo muna tong sinaing ko para maasikaso ko ang bisita"

Sigaw ng lola ko sa akin,

"Pasok po kayo, hintayin mo nalang po si lola."  ngiting aya ko sa mga matatandang babae na siyang bisita ni Lola.

"Don ka na sa kusina apo."

"Sige po la"

Bago ako pumasok sa may kusina nakita ko silang nag-uusap.

May katandaan na den ang lola ko pero aktibo siya sa simbahan, sabagay siya ang presidenti ng simbahan sa barangay namin. Isa din siyang katekista at isang volunteered server of Christ sa simbahan sa aming lungsod kaya malapit siya sa Father na naka assign sa aming lungsod.

"Oh la? Asan na mga bisita mo?" tanong ko sa kanya ng makitang papasok sa kusina.

"Ayon, umuwi na sila apo, gaya ng mga naunang pumunta dito, binibigay nila pabalik sakin yung sobre na binigay ko sa kanila na may lamang pera para magsilbing bayad sa pagpapamesa sa mga namatay na nilang kamag-anak."

"Ay. Oo nga pala Lola no, Undas na pala bukas kaya pala ang daming nagpupunta dito na nagbibigay sayo ng sobre"

"Oo, kaya wag ka gumala bukas dahil isasama kita sa lungsod ha, tulungan mo din ako magbinta ng mga kandila."

"Sige po la, mga anong oras po tayo pupunta?"

"Mga alas 9 ng umaga kaya wag kang tanghali gumising ha, Teka bumili ka nga muna ng asin naubusan na pala tayo"

Naglalakad na ako patungo sa sala at napagawi ang tingin ko sa lamesa kung saan andun nakapatong ang di kalakihang basket ni lola na may mga kandila at napansin ko na may iilang sobre din. Hindi ko alam pero agad akong dinala ng mga paa ko papunta sa lamesa. Pa lipat-lipat ang tingin ko sa basket at sa may pintuan ng kusina.

Agad kong hinablot ang isang sobre at, inipit sa aking short pagkatapos agad akong lumabas ng bahay upang makabili ng asin sa labas.

"Osiya, Apo ako na manghuhugas ng pinggan , at matulog ka na ha, Maaga pa tayo bukas"

Hindi ako sumagot at naglakad lang ako diretso sa kwarto ko. Agad kinandado ang pinto mula sa loob at  kinuha ko ang sobre na kanina pa nakaipit sa aking short na nailaliman ng aking damit.

Binasa ko ang nakalagay na mga pangalan sa sobre at hinay-hinay kong itong binuksan, tumambad saken ang limang daang pesos na papel.

"Tamang tama, tiyak may mga madaming paninda sa lungsod bukas, may pambili ako!" masayang sabi ko at nakangiti kung inilagay ang perang papel sa ilalim ng aking unan. Pinatay ang ilaw at natulog.

"S–ino ka? Sinooooo ka?!!!! Lolaaaaaaa! Tulong! Lolaaaaaaa!" pagsisigaw ko pero bakit walang boses na lumalabas? Hindi din ako makagalaw at para bang di ako makahinga pero alam ko nagsisigaw ako humihingi ng tulong dahil pakiramdam ko dinaganan ako ng isang matandang lalaki habang sakal-sakal ako sa leeg.

Patuloy ako sa pagsisigaw pero wala talagang boses na lumalabas. Nagpupumiglas ako yun ang nasa utak ko pero katawan ko ay tila naging paralisado, nasa harap ng mukha ko ang pagmumukha ng matandang lalaki na siyang ulo lang ang makikita na lumilipad sa hangin.

"Sinambit ko ng tahimik ang "Ama Namin" nag dasal ako at mas nilakasan at inulit-ulit ko kahit alam ko na walang boses na lumalabas at di ko naigagalaw ang aking bibig.

Hindi ko alam kung anong nangyayari pero pinilit kung igalaw ang aking kamay upang mag sign of the cross habang nagdadasal padin, kahit masakit, kahit mahirap pilit kung ginalaw ang aking kamay, kahit na nakatingin sa akin ang matandang lalaki na siya atang nag papahirap saken.

"Bakit ka ba sumisigaw hA?! Anong nangyayari sayo?! Nakakahiya sa mga kapitbahay!" Sugod na tanong nila habang nagtatakang nakatingin saken. Agad kung nilibot ang aking mata hinahanap ang matandang lalaki na aking nakita.

Bigla akong umiyak.

"Lola, may matandang lalaki po kanina, parang dinadagan niya po ako, kaya di ako makahinga" hikbi hikbi ko pang pagkasabi sa lola ko.

"Yan! Di ka siguro nagdasal bago natulog, kahit nag sign of the cross lang sa noo mo?"

"Laaaa! Kasalanan ko. Baka nagalit yung matanda saken, kase baka sa kanya yung perang nakasobre na kinuha ko kanina sa basket mo. Lola sorry."

— StarGalexia

Random One Shot Stories Where stories live. Discover now