One Shot – #17
"Hun sasama ka ba saken sa martes?"
"Saan ka pupunta Helli?"
"Eh kase yung mga ka trabaho ko, iniimbitahan ako sa fiesta nila."
"Saan naman 'yan?"
"Sa Bogo City hun, pero yung sa kanila Sitio lang malayo sa lungsod o sa mismong syudad."
"Ganun ba? Sige sama ako, para may kasama ka sa byahe."
"Okay. Thank you hun."
–
"Uy! Helli! Buti nakapunta ka, ikaw lang ba?"
"Hindi, kasama ko boyfriend ko."
ngiti ko sa ka trabaho ko.
"Buti at sumama siya? Mahal na mahal ka talaga ng boyfriend mo eh. Ay, hali muna kayo sa loob, kain muna kayo."
"Ganito pala talaga sa probinsya niyo? Sobrang nakakatuwa napaka friendly ng mga tao tapos andami ding mga tao ha kahit Sitio lang."
"Oo, ganito talaga dito. Mamaya dadami pa yan kase may disco diyan sa tapat."
"Parang gusto ko tuloy bumalik dito." Sabi ko sa ka trabaho ko.
"Pwede ka naman bumalik-balik dito eh. Teka? Asan boyfriend mo?"
"Tulog siya eh, napagod ata sa byahe."
"Pahinga ka muna kaya, para mamaya isasama ko kayo sa disco. Tsaka okay lang ba kung ililista ko pangalan niyo dito?" sabay pakita ng ka trabaho ko sa sinusulatan niyang papel na may mga nakalagay na mga pangalan."
"Para saan 'yan?"
"Para sa obligation dance, bale mamaya sa disco ihihinto ang saglit yung tugtug tapos iisa-isahin kayong tatawagin tapos sasayaw kayo ng konti lang tapos magbibigay kayo ng pera sa panyo na ilalagay sa gitna ng court."
"Sige walang problema, papahinga na din muna ako, baka mas mapuyat pa ako lalo na may disco pa naman pala mamaya."
"Helli Vialer, please stand up at gumawa ng konting sayaw tapos ikaw na bahala kung magkano ang ibibigay mo na pera, kahit magkano basta galing sa puso."
nahihiya akong lumakad papunta sa gitna ng court at nilagay ko na ang pera. Hindi ako sumayaw dahil nahihiya ako. Humarap na ako ulit at palakad na mula sa aking pwesto ngunit –
"Helli! W–ill you marry me?" nakita kong nakaluhod ang boyfriend ko habang may hawak na singsing. Tumulo ang luha ko habang tinitigan ang boyfriend ko. Pumikit ako saglit at muling binuksan ang mata ko at nakita ko ang boyfriend ko nakatayo na habang may dugong pumapatak sa kanyang ulo, ang ilalim ng mga mata ay nangingitim pati labi – balat.
Lalapitan ko na sana ang boyfriend ko upang tanungin ng may biglang humila saken, ang ka trabaho ko.
"Helli! Si Ja–ydo, nasaksak tapos may malaking sugat den sa ulo."
Nakita ko sa pwesto namin kanina na may mga taong nagmamadali sa pagbuhat sa boyfriend ko.
Agad akong nagtatakbo papunta sa aming pwesto, habang nakasunod sakin ang aking ka trabaho.
"Jaydo, please don't close your eyes, hun! just please." sabi ko habang hawak ang kamay niya. Umiiyak na ako.
"Dalhin natin siya sa hospital!"
"May nag-aaway kase kanina malapit sa pwesto niyo, tapos si Jaydo lilipat ata ng upuan pero pag tayo niya bigla siyang sinugod ng hampas ng bote sa ulo at sinaksak siya, napagkalaman ata na kasamahaan noong kabilang grupo."
Paliwanag ng ka trabaho ko. Pero hindi ko siya sinagot o tinanong ng kung anu-ano pa. Umiiyak lang talaga ako.
Natigil ako sa pag-iyak ng makita ko si Jaydo malapit sa pintuan ng operating room ng ospital, nakangiti siya na may bahid ng pait habang may iilang butil ng luha ang nahuhulog mula sa kanyang mata.
"Are you the patient wife or guardian ma'am?"
lumabas ang doktor, tumayo ako at tiningnan ko ang likod ng doktor pero wala na si Jaydo.
"I'm sorry, ms. – misis? pero the patient is dead on arrival. Condolence.
— StarGalexia