Chapter 6: Step Brother

3 0 0
                                    

JM's POV

“Wassup Jm!”sabi ni ryan. Si mom kase may anak sa pagkadalaga nya, mas matanda kase si ryan samin ni kuya. Kahit minsan diko nirespeto yang ryan na yan, dahil trip kolang na bastusin sya. GANUN AKO KATINDI!.
Nung sinabi yun ni ryan inisnob ko sya. Hahaha wassup mo mukha mo. Ewan ko ba kung bakit nabubwisit ako sa tarantadong yan.

“Hoy Jm!”aba may gana pa syang sigawan ako, Kahit mas matanda ka sakin, mas pogi naman ako at mas malakas.

“Anong problema mo ha!”p*ta sigawan na tayo dito. Yung kamao naman ni kuya cj, naka ready na kung baka sakaling anong gawin sakin ni ryan agad na nyang masusuntok sa mukha. Mukang nairita si ryan sa ginawa ko, kaya tinulak nya ko.

“G*go ka ryan!”sinuntok ni kuya sa mukha si ryan.

“Cj tama na!”inawat na ni papa si kuya.

“Eto naman para sayo ryan!”agad kong sinipa si ryan sa mukha kaya natumba sya. Agad naman akong inawat ni brian. Si mama naman inawat na si ryan, baka kase pumalag pa.

“Jm, Cj, ganyan ko ba kayo pinalaki?!!”
galit na si mama. Bakit pa kase umuwi yang gagong yan dito eh, di naman sya welcome sa pamamahay na to.

“Wala na kayong ginawa, puro gulo nalang yung trabaho nyo!”ngayon ko lang nakitang nagalit si mama ng ganyan.

“Jenny, tama na!”pinatigil na ni papa  si mama.“Cj, jm, go to your rooms! NOW!”tumango nalang kami ni kuya.

“Wag mo nalang kaming subukan ryan, wala kang maibubuga samin”
Sabi ni kuya. Dapat talagang magingat yang ryan na yan sa lahat ng galaw nya dito sa bahay. Dahil sobrang pagod kami ni kuya nakatulog na kami ni kuya ng hindi man lang nag dinner.

5:00 a.m

Oo nga pala, Monday na ulit. Agad nakong naligo at nagbihis para makaalis ng maaga. Pagkababa ko nakita ko silang lahat na kumakain na kaya sumabay narin ako. Si papa palang yung kumakausap samin ni kuya pero si mama, ayun galit parin samin. Pagkatapos kong kumain, nagtoothbrush nako agad then umalis nakami ng bahay ni kuya. Dahil malapit lang naman yung school sa bahay namin, nag lakad nalang kami ni kuya. Dahil maaga kami ni kuya, nilagay muna namin sa room yung mga bag namin. Tapos habang di pa time para mag flag ceremony, pumunta muna kami sa canteen, para tumambay.

“Alam nyo ba yung issue tungkol sa ace?”narinig namin ni kuya yun. Dahil malakas lakas din yung pagkakasabi nung babae sa mga barkada nya.

“Oo sis, nanalo daw ata yung grupo ni jm kaya natalo nila yung ace pati si jeff. Sayang, ang gwapo panaman ni jeff, Bakit kase nagpatalo sya kay jm, samantalang mas gwapo si jeff kesa kay jm eh”muntik nakong masuka sa sinabi nung babae. Si jeff? Mas gwapo sakin. BULLSH*T . Mas pogi na kase si jeff, pero malakas ba sya? F*ck pero 2 times ko na syang natalo. At anong pake ko kung ipapatumba nya ko. Sorry pero hindi na sya yung leader ng ace.

“Hey sis, don't be so loud, the new leader of ace is beside you!”sabi nung kasama nung babae. Tiningnan ko sila, then nagsitayuan sila para umalis. Mukang nakuha ko sila sa tingin.

“Lil' Bro mukang natakot sila sayo”
sabi ni kuya habang nakangiti.

“Dapat lang”sabi ko. Nag ring narin yung bell kaya pumunta nako sa pila ng section one. Si kuya naman pumunta na sa line nila. 30 minutes lang yung flag ceremony namin tapos pumunta na yung lahat sa mga rooms nila ako naman lumabas muna ng school para pumunta sa katabing comp shop ng school. Ayoko munang pumasok sa first subject namin kase nakaka boring yung History class. 1 oras nako nandito tapos sa may unahan ng comp shop meron nang nagsusuntukan dahil natalo sa laro. Ako naman umalis nalang kase ayokong sumali sa kanila kase ayaw weak lang namn yan. Ayokong gamitin yung lakas ko sa mga mahihinang tao katulad ni ryan at jeff. Pumasok nako sa school at alam kong break na namin kaya dumiretso nakong canteen. At sa lahat nalang ng makikita ko dito, bakit si jeff pa! Umiwas sya sakin dahil kung papalag pa sya edi booooooom. Hindi lang sya masasaktan,mapapaiyak sya sa hagupit ng lakas ko. Bumili na agad akong ng pagkain kase gutom na ko. Konti lang kase nakain ko kanina sa bahay dahil nakakawalang gana dahil sa ryan na yun. Kahit trip kong magalit sakanya, meron talagang malalim na dahilan kaya ko sya kinamuhian. Malalaman nyo rin yan, but not now, SOON!

A Bad Boy's LifeWhere stories live. Discover now