Chapter 9: Ang Pagbabalik

4 0 0
                                    

Jeff Jackson............ Pero bakit pa sya bumalik? Yung huling balita ko, nakulong sya dahil may napatay daw ata sya? Pero diba dapat nasa kulungan sya? T*ngina kanina pako isip ng isip dito. Naisip kong bumaba at lumabas para harapin sya. Nung nakalabas ako, wala na sya sa kinakatayuan nya.

"Hoy Jeff, lumabas ka dyan! Wag kang maduwag!"pagkatapos kung sinabi yun, bigla syang lumabas.

"Long time no see, Jm!"sabi nya.

"Akala ko ba nakakulong ka? Bakit ka nasa labas ng kulungan?"tanong ko.

"1 week nakong pinalaya sa kulungan"nagulat ako sa sinabi nya. Di naman ganun kadali makalaya pag murder yung kaso diba?

"Bakit ka nandito?"tanong ko.

"Meron kase akong kukunin na dapat dati pa na sakin!"sabi nya.

"At ano naman yun?"sabi ko.

"Ang Ace!"f*ck gulat na gulat ako sa sinasabi nya. Ang lakas naman ng loob nya para kunin ulit sakin ang ace.

"G*go! Isa kang malaking G*go! Dika karapat dapat para sa ace!"sigaw ko. Tapos biglang nagsilabasan yung pamilya ko.

"Jm, what's happening here?!"tanong ni mama. Diko nalang sya sinagot.

"Bakit ka pa bumalik dito! Jeff!"sigaw ni kuya. Bigla naman tumabi sila kuya cj, kuya ryan at si carl sakin.

"Kung balak mo kaming sugudin, wala ka nang ibubuga!"sabi ni kuya ryan.

"Kaya kung ako sayo, umuwi kanalang!"sigaw ni carl.

"Mag isa kalang jeff! Apat kami!"sabi ko.

"At sino namang nagsabing ako lang magisa?" tapos bigla kong naaninag yung mga kasama nya. Nagulat ako sa nakita ko. Yung mga taksil na ace, kasama nya.

"So nagdala kapa pala ng basura?"pang aasar ko.

"Para kang basurero na nakapulot ng walang kwentang mga basura!"sabi ni kuya."naglabas ng kutsilyo yung mga alagad ni jeff.

"Tingnan natin ngayon kung sino ang magiging basura!"sabi ni jeff. Aatake na sana sila pero may dalawang kotse ang huminto sa bawat gilid namin.

"Kutsilyo lang ba meron kayo? Onga pala nakalimutan ko mahihirap pala kayo kaya wala kayong pambili ng lisensyadong baril!"sabi ni timothy, sabay dukot sa mga baril nila. Bago ko pa harapin si jeff agad na kong nagtawag ng back up, kase alam kong may balak sila jeff.

Agad nang tinutukan ng baril nila timothy yung mga alagad ni jeff. Kaya ngayon wala na silang magagawa kaya unti unti na silang umalis.

"Tandaan mo to Jm, dadating din yung araw na mapapabagsak ka namin"mahinahon na sabi ni jeff. Pagkatapos nun, parang nakaramdam ako bg takot. Pero di ako nagpadaig sa takot ko, mas lalo ko patong binalutan ng kalakasan ko.

"Jm, bakit ba nandito yan si jeff ha? Diba nakakulong yan?"sabi ni gilbert.

"Mayaman ang Jackson Family, kaya posible nakuha nila sa pera ang pulis"sabi ko.

"Grabe sila, gagawin nila ang lahat para lang mapalaya yung anak nila kahit mali yung paraan na ginagawa nila"sabi ni timothy.

Pagkatapos naming magusap nag si alisan na yung ace. Tapos kami naman pumasok na para matulog. Nagisip isip muna ako bago matulog.
Alam kong may plano si jeff kaya sya umalis sa preso. Sigurado na kaya sya sa sinabi nya noon? Na papatumbahin nya ko? T*ng ina subukan lang talaga nya. Handa akong harapin sya, basta wag nya lang sasaktan yung buong pamilya ko. Sa sobrang pagiisip ko, diko namalayan na agad nakong nakatulog.

5:00 a.m

Nagising nalang ako bigla dahil sa leche kong alarm. Imbis na magpapalate ako mamaya, makakapasok pa tuloy ako ng maaga.
Nung nakita ko yung mga libro ko, bigla akong natauhan.

"Ay f*ck, di pa pala ako nag rereview!" natataranta nako dito. Kahit bad boy ako, kaylangan ko parin mag aral, sayang yung grade. Hahaha.

-------------

Taena ang ingay nanaman dito sa school. Ano pa ba yung nabago? Nung nakita nila ako bigla silang tumahimik. Tapos bigla silang tumabi para magbigay daan sakin. Taena dinaman ako hari dito ah. Biglang may dumaan sa harap ko. Dumilat ng todo yung mata nya, tapos bigla syang nahimatay. Tapos hinila naman sya nung kasama nya.

"Bigat mo pala john mark!"sabi nung kasama nya. Bigla naman akong napangiti. Tapos parang kinabahan yung kasama nung nahimatay.

"Sorry Jm, tanga lang talaga tong kaibigan ko"sabi nya.

"Okay lang yun, natural lang sa isang tao ang maging tanga"tapos nginitian ko sya. Then, naglakad nako papuntang room. Dahil maaga pa, lahat ng kaklase ko nasa ibang lupalop pa ng school. Wala pa kong nakikitang estudyante dito. Bigla akong nakaramdam ng parang may tumitingin sakin. Huminto ako sandali tapos kunyari may kinuha akong bagay sa bag ko. Pero yung totoo, kinuha ko yung pocket knife ko sa bag ko. Ginagamit ko lang to kapag kaylangan. Nilagay ko to sa bulsa ko ng matago tapos kunyari nilagay ko yung kamay ko sa bulsa na parang pumuporma tapos hinawakan ko yung kutsilyo, matalim naman to kahit papano. Patuloy parin akong naglalakad kahit nilagpasan ko na yung room ko. Ramdam ko parin na may sumusunod sakin kaya nung naramdaman kong super lapit nya sakin bigla akong huminto tapos humarap ako sakanya sabay labas ng kutsilyo, tapos agad ko itong itinutok sa leeg nya.

"Dude, Calm down!"shet. Nagulat ako kung sino yun. Taena si trevor lang pala. Agad ko nang binaba yung kutsilyo.

"Im so sorry trev!"sabi ko. Kala ko naman kung sino na.

"Im so sorry too!"sabi nya. Kahit alam kong si trev yung sumusunod sakin, nararamdaman ko parin na parang may nakatingin sakin. Diko alam kung multo o ewan. Tumingin nalang ako sa kasama ni trev.

“By the way Lucas, i want to meet my twin brother, Tyler”sabi nya at naki pag shake hands ako kay tyler. Pagkatapos naming magusap, pumasok na sila trevor at tyler sa room nila, ako naman nag stay muna ako sa canteen. Kumain muna ako. Diko namalayan na 10 minutes late nako. Kaya tumakbo nako ng mabilis papunta muna sa locker ko. Agad ko nang binuksan yun at nilagay ang books ko, tapos may nakita akong sobre, pero diko na bubuksan dahil malelate nako lalo. Kaya mamayang uwian ko nalang babasahin.

-----

Tapos na ang exam namin kaya pupunta nako sa locker ko para basahin yung nasa sobre kanina. Pagkabukas ko ng locker ko, agad ko nang kinuha yung sobre at binuksan ko.














Your end is near!






Be ready Lucas Guerero.....








From:

JTT Squad



JTT Squad? Sino naman kaya yun?

A Bad Boy's LifeWhere stories live. Discover now