Chapter 15 : We Will Miss You

1 0 0
                                    

CJ's POV

Ilang oras na kong nakaupo sa harapan ng kabaong ni mama. Ilang oras na din akong tumitingin sa mga tao. Nakita ko si Tita Margarett na umiiyak papunta sa kabaong. Si Tita Margarett ang nanay ni Heaven at ni Faith. Magkababata sila mama at tita nung kapanahunan nila. Gustong gusto nila tita at mama na magkatuluyan kami ni Heaven, pero ayaw pa nun magkaboyfriend ni Heaven kaya hanggang ngayon MU parin kami. Sunod ko namang nakita si Heaven at Faith.

"Cj, Condolence"sambit ni Heaven pero nakatulala lang ako sa kabaong.

"Kuya, Condolence"sabi ni Faith. Nginitian ko lang sila. Baka isipin nilang iniignore ko lang sila. Sila Jm, diko alam kung asan, cguro kailangan nila ng pahinga. Ako naman ayoko, mas gusto kong magpahinga kasama si mama. Hindi yung gusto ko naring mamatay no, edi wala ng star of the show ang kwentong to.

"Cj, condolence *sniff* sa inyo"mangiyak ngiyak na sabi ni tita marga. Nginitian ko sya. Si tita marga din ang tumulong kay papa nung nakulong si papa. Wala naman talagang kasalanan si papa, binaliktad lang sya nung nakabangga ni papa kaya sya nakulong. Nung nalaman ko nga yung nangyari kay papa. Muntik ko na nga mapatay yung gago na yun eh. Bigla akong tumino nung narinig kong nandito na sila jm. Sunod sunod silang pumasok. Si papa yung panghuling pumasok. Lalong bumabagal ang lakad ni papa pag napapalapit na sya sa kabaong. Sila Shane at Kuya Ryan ay umiiyak ng mahina sila Carl at Jm, nakatayo lang habang tinitingnan si mama.

"H-Hon, s-sorry kung napabayaan kita *sniff* ako dapat ang namatay"sambit ni papa habang humahagulgol sa pag iyak. Ang mas mahirap, 2 weeks nalang babalik na si papa sa ibang bansa para magtrabaho. Kaming mga anak naman, kami na ang mamamahala sa mga businesses namin. Umupo na ang iba kong kapatid pero si papa tinitignan parin si mama. Natapos narin si papa kakatingin at kakaiyak kay mama, umupo na sya.

"Mga anak, sorry kung napabayaan ko ang mama nyo *sniff* dapat ako nalang ang namatay dun, dapat ako ang nandyan hindi ang nanay nyo"niyakap nalang ni Shane si papa. "Shane, Ryan, kahit hindi ako ang tunay nyong ama, salamat dahil tinanggap nyoko, salamat"tapos ngumiti silang dalawa kay papa. Napatingin ako kila carl at jm. Nakatulala lang sila, habang naka salokbaba. Diko alam ang iniisip nila pero alam kong sobrang layo ng iniisip nila. Tumayo ako para tingnan ang labi ni mama. Bukas na ang libing nya, 3 araw na ang nakalipas magmula nung pumanaw sya. Naramdaman kong namuo ang kamao ko, diko alam kung bakit. Lulubusin ko ang oras ko sa pagtingin kay mama. Ito nalang ang huling chance para sabihin ang last words ko.

"M-ma, Sorry, i'm really sorry, di man kita naligtas, sorry din sa lahat ng kasalanan ko sayo, salamat dahil ikaw ang naging ina ko. Pinapangako ko, makakamit natin ang hustisya. Pinapangako kong mamamatay yang jeff na yan sa kulungan. Ma, mamimiss kita"sambit ko habang tumutulo ang luha ko. Kung may pa contest cguro na paramihan ng luha, siguro panalo silang lahat. Hindi kase ako yung tipo ng lalaki na mabilis ilabas ang kalungkutan. Ako yung Cj na iipunin muna ang sakit para mailabas ito pag diko na kaya. Alam ni Jm yun.

“Cj anak, magpahinga kana muna, baka mapano kana nyan, ilang araw kanang di natutulog”sabi ni papa. Sumunod nalang ako kase wala nanrin akong magagawa, Atsaka antok na antok nako. Pumunta muna ako sa isang kwarto na kung saan pwede kang matulog. Matutulog na muna ako para di na sumakit ang ulo ko. Sayang kagwapuhan ko pucha. Unti unti nang sumasara ang mata ko hanggang sa nakatulog nako.

JM's POV

Andito parin kami sa burol ni mama. Ilang oras nalang ililibing na sya. Masakit parin sa pakiramdam na wala na sya. Mamaya sa sementeryo, may konting misa muna ang magaganap tapos ililibing na si mama. Wala nang speech na magaganap mas lalo lang kaming malulungkot nun. Iidlip muna ako para maginhawaan ako ng konti.

=====

Wtf?! Ang liwanag ng paligid. Lord kukunin mo na ba ko? Ang lamig dito, ang payapa, tapos nakaapak ako sa clouds.

“H-hello?”tanong ko. Masyadong tahimik ang paligid, nakakabingi.

“Jm”nagulat ako sa nagsalita. Parang minumulto nako. Sinundan ko yung tunog.

“Jm”naglalakad ako sa harap ko tapos napunta sa likod ko yung tunog. Medyo pamilyar yung boses na yun. Ewan ko kung anong nangyayari, bigla nalang tumulo yung luha ko at lumabas sa labi ko ang salitang ito.

“M-ma?”pakiramdam ko may sarili na talagang buhay tong mata at labi ko.

“Tama ka anak”nabigla ako sa nagsalita at tumingin ako sa likod ko. “Akala ko kinalimutan mo na ako” bumuhos na ang luha. Tumakbo ako para i hug si mama pero nadapa lang ako. Hindi ko sya nayakap dahil tumagos lang ako sakanya. “Okay lang yan anak, kahit hindi moko mayakap, iinit ang puso mo dahil sa pagmamahal ko”bigla ding uminit ang puso ko, tapos sinakop na nun ang buong katawan ko. Nagiinit nga ako. Magic.

“Ma, miss na kita *sniff*”umiiyak na nga ko. Shet. Nababakla na ata ako.

“Miss na din kita, lahat kayo”sabi ni mama. “Bago ako magpaalam, do me a favor”

“What is it mom?”tanong ko. Nasisilaw ako sa suot ni mama. Ang liwanag nito. Mas maliwanag pa sa mga puting damit ko.

“Mag aral ka ng maigi at hinahayaan na kitang hanapin ang magpapaligaya sa buhay mo”ang huling favor ni mama bago lumabo yung paningin ko.

“Jm?” nabigla ako sa nagsalita. Minulat ko ang mata ko. Naramdaman ko ang pagkabasa ng mukha ko. So totoo ba yung pagiyak ko? Wtf. “Anak, aalis na tayo, pupunta na tayo sa sementeryo” sinunod ko nalang si papa at pumasok nako sa kotse ko. Kasama ko sila kuya ryan at carl dito si ate shane at papa naman nandun sa kotse ni kuya cj. Sinundan ko lang yung kotse ni Kuya hanggang sa makapag park na kami sa sementeryo. Umupo na kami kase maguumpisa na ang misa.

=======

“Mamimiss ka namin ma”sabi ko bago namin ihagis ang bulaklak sa kabaong. Nanahimik muna kami ng panandalian. Saka namin hinagis ang bulaklak.

“I love you hon”mangiyak ngiyak na sabi ni papa.

“I love you *sniff* ma”sabi ni carl bago sya humagulgol sa pagiyak.

==========

Short update muna guys! Tinatamad pa kase ako eh. Malalaman nyo sa next update kung ano nang mangyayari sa buhay ni Jm at ang mga kapatid nya. So simula sa Chapter 16, Wala na munang patayan, rambulan, suntukan ang magaganap. Syempre di mawawala ang ace sa love life ni Jm. I mean sila ang magiging paraan para magkaroon ng love life si Jm. *SUPPORTIVE FRIENDS*. So yung next update neto ay yung mga pic ng mga characters. Yung pic na makikita nyo ay mga pic ng kpop. So yun lang keep voting, sharing, and commenting.

Bye guys~

A Bad Boy's LifeWhere stories live. Discover now