Umaga na at sinabihan ko na kahapon yung ace tungkol sa laban namin mamaya. Alam kong hindi madali ang laban namin para mamaya, kaya kaylangan kong kumain ng marami. Bumaba nako para kumain gutom na kase ako e.
“O jm gising kana pala”sabi ni kuya
“Jm kain kana, alam kong may rambol kayo”sabi ni mama. At pano nya nalaman.
“Jm sinabi ko na kila mama at papa para dina sila mag alala at di na rin sila tatawag ng pulis kahit anong mangyare” sabi ni kuya. Well, mas maganda na ring malaman nila mama at papa para di na sila mag alala. Excited na ko mapatumba si Jeff.
[Jeff - sya yung napatumba ni jm nung first day of school nila, pero nag evolve na sya ngayon]
9:00 A. M
Oras na para umalis nakami tutal nandito narin ang buong spade. Na realize kong napakarami ng spade kaya nag isip ako ng plano para ma troll namin ang ace.“Spade, may naisip akong plano....
Marami - rami ang grupo natin at unfair yun sa ace kaya may naisip akong surprise para sakanila..... Ang unang bababa sa arena ay sila kuya, timothy, gilbert, brian , at syempre ako. At yung mga hindi natawag maghihintay kayo sa taas at dapat nakatago kayo para walang makakita sa inyo... Hintayin nyo lang yung Go-signal ko para umatake na kayo.... Kaso mag gogo signal lang ako pag nauna nila kaming patumbahin, pero di namin hahayaang mangyari yun. Alam kong lima lang kaming susugod, pero kaya na naming patumbahin lahat ng alagad ni jeff... Drew, magtatago ka sa may hagdanan at dpat nakikita moko para makita mo kung mag gogo signal nako.. Tapos pag oras na para umatake tawagin mo na yung iba para sumugod, at para di kayo mahalata ng ace dahan dahan kayong mag lakad papunta sa likod nila at paluin nyo ng malakas yung likod nila para agad sila mapa dapa at isakal nyo sa kanila yung tubo para mahirapan silang makagalaw... Spade ito na ang oras para bawiin ang ace sa kasamaan! BAD BOYS FOREVER!!!”
sabi ko sakanila. Kakapagod mag salita putek.“AWUUU!”sigaw nilang lahat.
So ayun lahat kami nagpunta na sa arena at naaninag ko na yung pagmumuka nung tanga nilang leader. Huminto yung sasakyan namin sa tagong lugar na walang makakakita na kung sino man at tiningnan ko yung ace. Bumaba na sila isa isa, pero bat ganun nakakaramdam ako ng kaba. Naduduwag ba yung kaluluwa ko.
“Spade ayusin nyo tong laban na to, hindi ito biro kaya kaylangan nating magseryoso!”sabi ni kuya. Sya kase yung 2nd leader ng spade at si timothy ang 3rd leader.
“Ano pang hinihintay natin? Tara na!”
sabi ni timothy. Nakita ko sa mga mukha ng spade ang takot, at ganun din ako. Nauna na sila at nagpahuli ako.“Lord, alam kong minsan lang ako nagdasal sainyo, at alam kong patong patong na yung mga kasalanan ko sa inyo, sana naman gabayan mo ako at ang spade sa laban namin ngayon. Wag mo po naman kaming pabayaan.” Kahit bad boy ako marunong parin akong magdasal sa diyos. Huminga muna ako ng malalim at tumakbo ako para maabutan yun spade.
“O jm san ka galing?”tanong ni kuya.
“Hmmm. Sa..... Wala....”sabi ko. At may binulong sakin si kuya.
“Ikaw ang leader ng spade, kaya wag kang matakot” tama si kuya, dapat di akong matakot, isa akong bad boy at ang tunay na bad boy walang kinakatakutan. Ako ang nag umpisa neto kaya ako rin ang tatapos ng gulo nato.
Katulad ng plano kaming lima nila kuya ang naunang bumaba at nauna sa taas ang ibang spade.
“SA WAKAS NANDITO NA KAYO.....SPADE!”yari ka sakin mamaya jeff.
“BAKIT NATATAKOT KANA BA JEFF!?!”nairita sya sa sinabi ko.
“BAKA IKAW ANG NATATAKOT JM!”wala akong pake kahit nagtatapang tapangan ako basta kayalangan ko lang tapusin ang laban para maging isa na ang ace at spade.

YOU ARE READING
A Bad Boy's Life
Losowe"Lalaban tayo hanggang kamatayan" Yan ang katagang laging nasa isip ng bawat myembro ng Ace at ng kanilang leader na si Jm, pero ang tanong, sama sama pa kaya silang lalaban sa huli? Alamin natin ang buong storya ng "The Badboys Life"