-
Jeuny says: Hi! This is my first very own story po na pinublish dito sa wattpad. I'm a new born baby writer, so please bare with my errors po. Thank you :)
Big thanks din po pala kay ashimyst for the book cover. :>
-
Dalawang estudyante ang tumatakbo sa loob ng gubat. Wari'y nakadepende dito ang kanilang mga buhay. Ngunit, kahit anong bilis ang gawin nila, mas mabilis pa rin ang takbo ng taong humahabol sa kanila.
Huminto si Kathy at hinawakan ang kamay ng lalaking kasama. Pareho silang naghahabol ng sariling hininga. Tagaktak na rin ang pawis nila mula sa noo hanggang sa leeg. Pareho silang pagod sa ginawang pagtakbo.
Sa simula pa lang, alam na ni Kathy na napakaimposible nilang takasan ang taong humahabol sa kanila. Kailangan may isa sa kanila ang handang magsakripisyo upang makatakas ang isa at makahingi ng tulong.
"Tumakbo ka na hangga't makakaya mo, Remart. Ako na ang bahala sa humahabol sa atin. Sabihin mo sa mga pulis na may—"
Hindi na natapos ni Kathy ang kaniyang sasabihin dahil may humarang na sa kaniyang paningin kay Remart. Kasalukuyan itong nakangising demonyo habang nakatitig sa kaniya ang mapupulang mata nito.
Ang joker!
Nanlaki ang mata ni Kathy sa gulat. Hindi pa sila nakakatagal sa pagtigil, naabutan agad sila nito?
"Huwag! Ako na lang ang gawin mong biktima! Pakiusap, huwag si Kathy," pagmamakaawa ng binatang si Remart, ngunit huli na ang lahat.
Nginitian ni Kathy si Remart bago naging kulay-dugo ang mata ng dalaga. Nagsimula na siyang mawala sa sarili at dahan-dahan na ipinukpok ang ulo sa katawan ng puno.
Napapikit ng mariin si Remart bago pumihit patalikod at tumakbo ng mabilis. Nandoon pa rin ang taong dahilan sa pagkawala ng sarili ni Kathy. Hindi pa siya nito hinahabol, kaya hangga't makakaya niya ay tatakas siya. Iyon ang huling habilin sa kaniya ni Kathy. Ayaw niyang balewalain ang sakripisyong ginawa nito para sa kaniya.
"Saan ka patungo, bata?" Nakangising demonyo ito, tila natutuwa sa larong ito na hindi makatao.
Hindi na nagtaka si Remart nang biglang lumitaw ito sa kaniyang harapan. Agad niyang iniwas ang kaniyang mata sa mapupulang mga mata nito. Bawal itong titigan, dahil kapag napako ang iyong mata dito... mamamatay ka na.
___•___
This work is completely from the author's fictitious minds. Names, caharacters, places, events, and any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events, locales are purely coincidental.
This literary form does not reflect on the writer's lifestyle and beliefs. Some statements aren't factual and some are just blunt opinions.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.
This story is unedited, so expect typographical errors, grammatical errors, wrong spellings, punctuation errors, space errors, and etc. If you're looking for a perfect story then don't read this. Thank you!
There are few chapters with mature scenes. Read at your own risk.
---------------------------
• NOT EDITED •
--------------------------
BINABASA MO ANG
Joker's Curse [Under Revision]
Mistério / SuspenseSection Spades just wanted to have a memorable farewell party. All they wanted to do is to enjoy their mountain trekking, camping, and bonfiring at the top of the mountain peak. But, every happiness has its limits. Their simple farewell party was ju...