Joker (3)- Mt. Forbidden
"Wala pa ba? Malapit nang mag alas-sais ng umaga! Anong orad na tayong makakarating doon sa paanan ng bundok?" inis na wika ni Hannah saka nagpalakad-lakad back and fort.
Sa kanilang magkaklase, si Hannah ang pinakamatanda. Dalawapu't dalawang taon na ang edad niya kaya siya ang gumagabay sa mga nakababata niyang mga kaklase. Kaya sa farewell nilang ito, siya ang may pinakamataas na responsibilidad dito.
"Will you calm down, Hannah? Maaga pa naman masyado. Atsaka, isa na lang naman din ang kulang," wika ni Christian saka liningon ang mga kaklaseng naririto na sa kanilang pinag-usapang lugar.
Ang iba sa kanila'y may suot na headphones, earphones, at airpods. Malamang ay nakikinig nga mga gusto nilang mga musika. Ang iba naman sa kanila ay kaharap 'yung mga gadgets -- paniguradong may kausap online o 'di kaya'y scroll up, scroll down lamang sa social media accounts. Higit naman sa kanila'y nakikipag-usap lang. Chikahan.
Ang usapan nila ay 5AM ng umaga sila magkikita. Pero dahil may dugong pinoy ang mga ito, na extend hanggang 6AM ang kanilang usapan.
"Sino na lang pala ang kulang?" tanong ni RM nang matanto na halos kompleto na pala silang naroroon.
Kibit-balikat lamang ang isinagot ni Lyan saka liningon si Ella. Napansin naman ito ni Ella kaya napahawak ito sa dibdib niya.
"Ba't ako ang tinitignan mo?" taas-kilay na sabi nito.
Binatukan naman ni Michael si Ella. "Gaga ka ba girl? Malamang ikaw yung lilingunin kasi nasa sa'yo yung attendance sheet."
Alanganin namang napatawa si Ella. "Sorry naman 'no?" sarkastikong sabi nito saka kinuha ang attendance sheet. "Okay... Ang malas na VIP natin ay si..." she trailed off, "Ayan na pala, eh."
"Sorry, natagalan lang ng gising." hinging paumanhin nang hinihingal na si Archero sa mga kaklase.
"Parati ka naman talagang late gumising. Duh." pairap na sabi ni Jean saka kumapit sa braso ng kaniyang nobyo.
"Grabe ka naman, Jean." wika ni Archero at kunwaring nasasaktan sa sinabi ng dalaga. Nakahawak ito sa kaniyang dibdib at umakting na nalulungkot at nasasakatan sa sinabi ni Jean.
Pumagitna agad si Bradford sa kanilang dalawa. "Guys, 'wag kayong mag-away... Fight!" anito at ginalaw ang kamay tila ba'y pinapaaway ang dalawa. "O, pusta na guys! Sa pula sa puti. O, manok ko si Jean, ha? Oh pucha! Walang aawat ha? Walang aawat."
"Tumahimik ka nga, Ford." pagsaway ni Lyan habang matalim na nakatitig kay Bradford.
Ford smile sheepishly while rubbing his nape, "Sorry... Ikaw naman, napakasungit mo." sabi nito saka tumawa.
"Sige na, sige na. Tama na 'yan." nababagot na sabad ni Faith. "Baka kayo pa ang mag-away diyan."
"Okay! We're complete. Sugod na sa van!" sigaw ni Ian saka unang tumakbo patungo sa pinarkingan ng van.
"Ang cute ni Ian. Mukha siyang bola na tumatalbog." nakangiting komento ni Ella. Tila'y aliw na aliw sa kaklaseng si Ian.
"Mukha siyang living teddy bear." Imy commented then giggled.
"Hindi. Mukha siyang baboy sa commercial ng B-meg." sabad ni Lyan, "Habang bata pa, nakatampisaw sa ulan..." kanta pa nito sa commercial bago patakbong tumalon sa likuran ng walang kamalay-malay na Kathy.
Imy softly chuckled. "Baliw talaga 'yon."
Halos sa kanilang magkaklase ay nakatingin kina Kathy na nakasimangot at kay Lyan na tumatawa. Ang iba ay tumatawa habang ang iba ay napapailing nalang.
BINABASA MO ANG
Joker's Curse [Under Revision]
Mistério / SuspenseSection Spades just wanted to have a memorable farewell party. All they wanted to do is to enjoy their mountain trekking, camping, and bonfiring at the top of the mountain peak. But, every happiness has its limits. Their simple farewell party was ju...