Joker (2)- Ang larong 'Killer Eyes'
"Okay! Let's do this!" Pumalakpak si Michael at pumunta sa kaniyang upuan.
Umayos ng tindig si Lyan mula sa pagkakasandal sa teacher's table. "Form a circle guys. Dali na!"
Sabay-sabay pang tumayo ang lahat 'tsaka inayos ang mga upuan pabilog. Agad namang dinistribute ni Kathy ang baraha sa mga nakapalibot niyang kaklase.
"Sayaw buang! Sayaw buang!" her classmate chanted.
Umiling-iling naman si Kathy, "Mga gago!" natatawang sabi niya saka ipinagpatuloy ang pagdidistribute ng cards.
Nasa gitna kasi si Kathy ng pabilog na arrangement ng kaniyang mga kaklase. Dahil lahat sila ang sumali, malaki ang espasyo sa gitna ng kanilang classroom na pwedeng maging entablado ng kung sino man ang gustong magpasikat sa gitna.
Kampante naman silang maglaro ngayon dahil alam nilang wala ng papasok na guro sa kanila. Kaya okay lang kung naka disarranged ang kanilang mga upuan.
How did they know na wala ng papasok ng teacher? It is predicted kapag malapit na ang graduation march.
"Okay, I think everyone is settled. Nakita niyo na ang card niyo 'di ba?" tanong ni Kathy sa kaniyang mga kaklase na agad naman siyang tinanguan ng mga ito. "Okay let's start the game!"
Agad namang nagsitahimik ang kaniyang mga kaklase. Pare-parehong nag-o-obserba sa kilos ng isa't-isa. Ramdam mo na agad ang tensyon na nakapalibot sa kanila. Pare-parehong ayaw patalo sa laro-laro nilang ito.
"Fuck, I'm dead." wika ni Khairul na agad na nakaagaw sa atensyon ng kaniyang mga seryosong kaklase.
"Seriously? You're dead?" tanong ni Arvie sa kaniya.
Tumango naman si Khairul sa kaniya, na agad namang tinaasan-baba ng kilay ni Arvie. Ngumiti naman si Khairul sa kaibigan.
"Got it bro, fuck, I'm alive." anito saka tinagilid ang ulo, wari'y may iniiwasan sa right side ng kaniyang mga kaklase.
Agad naman iyong nakuha ng iba pang halatang citizen kaya halos hindi sila tumingin sa right side ni Khairul. May iba din namang lakas-loob na nag obserba. Siguro'y ace or joker ang nakuha o 'di kaya'y kampante nang mamatay dahil alam na nila ang isang doctor.
"Bwesit, malas! Tangina, traydor ka pre." wika ni Arvie saka tumawa. "Sorry, citizen babies! Find another cutie doctor 'cause I'm dead."
"Gago, ang tanga mo pre!" sigaw ni Khairul kay Arvie.
Napaungol naman ang iba sa hinayang. Mas lalo tuloy silang hindi mapatitig ng halos isang segundo sa iba pang kaklase. Feeling nila'y mamamatay sila ng wala sa oras kapag tumitig sila ng matagal sa isang particular na person.
"Good afternoon Ma'am!" sigaw ni Remart na nakatanaw sa bukana ng kanilang pinto.
Agad namang lumingon ang halos kalahati ng klase sa may pintuan. Nang matanto nilang nagbibiro lang si Remart ay agad nila itong pinaulanan ng mura at batok.
"The fuck? What a nice move! I'm dead." nakasimangot na sabi ni Ephrem. "Move your fucking ass, doctor. Heal me."
"'Wag mo nga 'yang e-heal si Ephrem. Ni-fuck, fuck kayo eh." sabad ni Imy 'tsaka humagikhik.
Agad namang ngumiti si Ephrem. "Joke lang. Ito naman, alam ko naman na ikaw yung doctor, e. Heal me, doctor."
Imy playfully rolled her eyes. "Hindi ako yung doctor."
BINABASA MO ANG
Joker's Curse [Under Revision]
Mistério / SuspenseSection Spades just wanted to have a memorable farewell party. All they wanted to do is to enjoy their mountain trekking, camping, and bonfiring at the top of the mountain peak. But, every happiness has its limits. Their simple farewell party was ju...