Joker's (4)

78 18 0
                                    

Joker (4)- Reason

"Sinong may dalang baraha?" tanong ni Michael sa kaniyang mga kaklase.

Nagtinginan naman ang mga ito at pare-parehong napailing. Hindi sumagid sa isip nila ang magdala ng baraha. Hindi naman kasi sila magfe-farewell party para magsugal. Aanhin naman ni Michael ang barahang iyon?

"Aanhin mo naman 'yon, Chael?" takang tanong ni Imy dito habang nagwawalis sa maalikabok na sahig.

Marami sa inyo ang magtataka kung ano nga ba ang role nung matanda dito? Hindi ba't kapag caretaker ay layunin nito ang panatilihing malinis at maayos ang bahay? Sa itsura pala ng bahay na 'to ngayon, mukhang isang ubo na lang yata ni Ian ay guguho na ito.

"Oo nga Chael. Hindi naman kami marunong magtong-its. Pfft--" pigil tawang sabi ni Bern habang may hawak na plastic bag at kinokolekta ang mga basura.

"Girl, killer eyes! Hindi naman siguro pwedeng magfe-farewell tayo nang walang mapaglilibangan hindi ba?" sabi ni Michael na agad sinang-ayunan ng kaniyang mga kaklase.

"Oo nga naman. Michael has a point. Pero okay naman na siguro yung mountain trekking journey natin 'di ba?" sabad naman ni Christian habang pinupunasan ang maalikabok na mesa.

"Yes, malilibang tayo sa mountain trekking. Pero paano naman tayo malilibang kapag nakaabot na tayo sa destinasyon natin? Tulaley lang tayo do'n, gano'n ba?" ani pa ni Michael habang nakatayo lang sa gilid.

"Let's enjoy the view while we're up there, right? Let's enjoy every moment sa view." sagot naman ni Christian at lumipat sa ibang maalikabok na muwebles.

"Man, that's boring." Lyan commented while wiping off the spider's web in the ceiling.

"Yeah, indeed!" Noel agreed. "Mas mabuti pa rin 'yong may gagawin tayo bukod sa pagtitig sa view."

Sumang-ayon naman sila sa sinabi ni Noel, kaya walang nagawa si Christian kundi ang tumahimik nalang. May punto din naman ang mga kaklase.

Mas masusulit nila ang farewell kapag may mapaglilibangan sila habang ine-enjoy ang view. Bukod doon... Balak din nilang mag-camping at mag-set ng bonfire habang nag-ja-jamming or kwentuhan. May konting laro din hanggang sa makatulog, gano'n.

Maya-maya pa ay tumigil muna si Reycherl sa pag-mo-mop, "Hoo!" pinahiran nito ang pawis sa kaniyang noo, "Akala ko ba farewell 'to? Ba't parang naging instant janitor yata tayo?"

Kasalukuyan kasi silang naglilinis ng bahay na pinagtutuluyan nila ngayon. Masyado kasi itong marumi at maalikabok, kaya naisipan nilang maglinis muna bago magpahinga.

Nakakasama sa kalusugan ang matulog habang maalikabok ang paligid. Maaari silang hikain o magka-ubo dahil dito. Baka kako'y uuwi silang may sakit at hindi happy memories ang maiuwi nila sa kaniya-kaniyang bahay.

"Hayaan mo na, Cherl. Parang hindi ka naman sanay sa paglilinis sa classroom, e." natatawang sabi ni Gerald habang binubuhat ang silya dahil nililinisan ni Kathy ang ilalim ng mesa sa dining area.

Later on, Janrey stopped wiping the table lamp. "Taym pers muna ako!" wika nito saka umupo sa may hagdan.

Braford stopped wiping the spider's web too. Lupaypay itong napaupo sa couch na medyo maalikabok. Medyo napaubo pa ito dahil sa ginawang pabagsak niyang pag-upo, kaya nagsiliparan ang ibang alikabok.

"Ayoko na. Tinatamad na ako!" reklamo nito tapos tinapon sa kung saan ang lumang feather duster.

Napupuyos naman na nagmartsa si Rey papunta kay Ford. Natamaan kasi ito ng feather duster na basta na lang itinapon. Hawak-hawak ang lumang walis tambo... Hinampas niya ito kay Bradford na ngayo'y nakapikit at nakasandal sa maalikabok na couch.

Joker's Curse [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon