Joker (7)- Treasure Chest
"Hoy, babae! Sa'n mo ako kinaladkad, ha? Ano bang gagawin natin?" tanong ni Ella habang hila-hila pa rin ni Lyan. Medyo lumalayo na sila sa iba nilang kaklase kaya nagsimula na siyang maalarma.
Lyan shrugged, "Treasure hunting tayo, beh."
"Anong treasure hunting tayo, beh? Kung sakalin kaya kita? Buang jud ning bataa ni." (Baliw talaga 'tong batang 'to) Ella whispered the last sentence while shaking her head.
Lyan chuckled upon hearing Ella's whisper. "Anong buang ka diyan? Kapag talaga tayo nakakita ng treasure... One-eight lang talaga ang ibibigay ko sa'yo, bahala ka diyan." pananakot pa nito.
Ella rolled her eyes. "Aba, Lyan, siguraduhin mo lang na makakabalik tayo do'n sa mga kaklase natin." Pagbabanta nito na hindi man lang pinakinggan ng kaibigan.
Nagpatuloy lamang sila sa paglalakad. Palayo na sila ng palayo mula sa pinanggalingan. Kinakabahan na si Ella sa mga pupwedeng mangyari, lalo pa't hindi sila maalam sa lugar. Plus the fact na hindi nila kasama ang matanda sa ginagawang trip ng kaniyang kaibigan.
"Hoy, gaga ka! Saan ba tayo pupunta, ha? Parang alam na alam mo yata ang pasikot-sikot dito sa loob?"
Lyan stopped walking then traced her hands to the rock. May nakaguhit dito na hindi nila maintindihan. Naningkit ang mata ni Lyan nang may nahagip ang mata nito sa bandang likuran ng bato. Mukha itong signs or direction or maybe a map na may nakalagay na 'X' sa hulihan.
"Ella..." Lyan trailed then averted her gaze to Ella. Her lips twitched up, "Mukhang may treasure chest yata tayong makikita dito, ah?"
Ella's forehead creased, "Treasure chest ka diyan. Sinaunang tao ka ba para maintindihan mo ang mga guhit na 'ya- oh shit!" nanlaki ang mata nito nang makita ang nakaguhit sa ilalim na parte ng bato. Kaya pala hindi niya maintindihan ang mga larawan dahil nasa baba pala ang simula nito.
Mukha story-telling ang nakaguhit sa bato. May nakalagay roon na stick na tao na parang naglalakbay. Sinundan nila ito ng tingin hanggang sa mahagip ni Ella sa likuran ng bato ang tinutukoy ni Lyan kanina. May nakasulat pa dito na hindi nila maintindihan.
"Naniniwala ka na ba sa'kin, ha?" Lyan asked while raising her brow.
Nag-aalangan naman nitong tinignan ni Ella. "Pero paano tayo makakasiguro na treasure nga 'yan?"
"Duh? Kaya nga tinawag na treasure chest 'di ba?" puno nang sarkasamo ang boses nito, "And wala naman mawawala kapag tinry natin 'di ba? And besides, it was located here inside the cave. Kaya there's nothing to worry about." Malaking ngiti ang iginawad nito kay Ella.
Ella sighed. "Nothing to worry about." panggaya nito sa boses ni Lyan. "Tanga ka ba girl? Paano kung mawala tayo?"
Lyan rolled her eyes, "What's the purpose of putting signs, Ella?" sabi nito at tumatawang inangkla ang braso sa braso ni Ella, "Come on, Ella. Don't be such a KJ you know? It's our time to explore! Malay mo? Uuwi tayong mayaman." Lyan wiggled her brows, trying to persuade Ella to come with her.
Bahagya namang napaisip si Ella sa sinabing iyon ni Lyan. Oo nga naman, ito ang unang beses nilang mag-explore. Ito ang unang beses na magt-treasure hunt sila. Baka nga ay totoong treasure pa nga ang makukuha nila dito sa loob ng gubat. Wala naman din mawawala sa kanila kung susubukan nila 'di ba?
Walang mawawala dahil sila naman ang mawawala!
'Naku! Kapag talaga kami hindi makabalik sa pinaggalingan namin... Ihahampas ko talaga ang ulo nitong babaeng 'to sa bato,' anang isip ni Ella, "Fine. I'll go with you. Siguraduhin mo lang na makabalik tayo ng safe and sound do'n." Pagsuko nito.
BINABASA MO ANG
Joker's Curse [Under Revision]
Misterio / SuspensoSection Spades just wanted to have a memorable farewell party. All they wanted to do is to enjoy their mountain trekking, camping, and bonfiring at the top of the mountain peak. But, every happiness has its limits. Their simple farewell party was ju...