Joker's (5)

69 19 3
                                    

Joker (5)- Preparing

Mga a-alas siyete na ng umaga nang magising ang iba nilang mga kaklase. May ibang tulog mantika pa't kailangan pang hampasin ng unan o kaya'y wisikan ng tubig sa mukha upang magising na nang tuluyan.

"Ma, 5 minutes pa. Inaantok pa 'ko." Ian mumbled then let out a small snore. He even hugged his pillow tightly.

Napangisi si Leonard 'tsaka sinenyasan ang mga karoom mate niyang kaklase. Agad naman nila nakuha ang gustong ipahiwatig nito at napapangisi din. Sumenyas pa sa Leonard ng tahimik bago nagdahan-dahan pumwesto sa paanan ni Ian.

"1.. 2.. 3.." Leonard whispered, "Attack maderfakers!" he shouted as he jumped at Ian's sleeping body.

"Sugod!" the boys shouted in unison as they jumped too.

"Aray ko! Pakingshet ang bigat!" reklamo ni Ian habang naiipit sa limang nagpatong patong na lalake sa likuran niya.

"Tama na! Pota ang bigat ng itlog ni Kenan!" Leonard said between his laugh.

Carl laughed. "Itlog lang naman ni Kenan ang mabigat sa kaniya. Pero yung pototoy-Urgh! Putragis ka Kenan!" tumatawang angal nito habang dinidiinan pa ni Kenan ang bigat nito sa kanila.

"Yawa. Ang bigat mo, Kenan! Shet yung hininga ko. Kinakapos na! Tulong! Pota." namimilipit na angal ni Noel habang hinampas hampas palikod si Carl.

"Umalis ka na, Kenan! Putangina." si Khairul habang tinutulak ang tumatawang si Kenan.

Si Kenan kasi ang nasa dulo ng patong at natiyempuhan na mabigat ito. Sinundan iyon ni Khairul, Carl, Noel, at Leonard. Sa classroom nila ay may binansagang big 4. Iyon ay sina Ian, Khairul, Carl, at Kenaniah. Hindi naman sila mataba. Sadyang malaki lang talaga ang katawan nila, sinabayan pa't matatangkad ang mga ito kaya nagmumukha talaga silang malaki.

Si Leonard at Noel naman ay katamtaman lang ang katawan. Sa kanilang dalawa, mas fined ang katawan ni Noel dahil isa itong basketball player. Habang mobile gamer naman si Leonard.

"Jusmiyo! Ang tanda-tanda niyo na! Tumayo na kayo diyan at nang sa gano'n ay makatulong kayo sa paghahanda para sa almusal at sa dadalhin natin." sermon sa kanila ni Hannah. Tinampal pa nito ang pwet ni Kenaniah, "Kukurutin ko talaga 'yang mga bulbol niyo sa singit! Tumayo na kayo."

"Aray ko naman, ate Hannah! Dahan-dahan naman sa pwet ko." reklamo ni Kenaniah habang hinihimas ang pwet na hinampas ni ate Hannah.

Pinandilatan ito ni Hannah, "Ano? Lumabas ka na." pagtutulak nito palabas at binalingan ang apat na natitirang lalake, "Ikaw Carl? Jusko. Ikaw ang mas matanda dito! Nakisali ka pa! Labas! Ikaw din Noel!" nameywang ito kay Leonard, "Jusko, ikaw pa talaga ang pasimuno nito, Leonard! Tignan mo nga 'yang katawan mo! Hala! Labas na!"

Kakamot-kamot sa ulo naman na lumabas si Leonard. "Ito naman si ate Hannah. Masyadong hot." bubulong-bulong na sabi pa nito nang dumaan sa harap ni Hannah.

Matalim naman na tinitigan ni Hannah ang naiiwan na nakahigang si Ian, "You're not exempted, Ian. Get your ass off and move." mariing utos nito.

Mabilis pa sa alas kuwatrong tumayo at lumabas si Ian sa kwarto nila. Takot lang nito na masermonan ni Hannah.

"Oh? What's with that face early in this morning, Kenaniah?" natatawang salubong ni Ella sa binatang nakasimangot.

"Si ate Hannah kasi, e. Hinampas yung pwet ko. Tapos sila..." Kenaniah paused then pointed the other boys who's with him on the bedroom awhile ago, "Hindi man lang nahampas ni ate. It's unfair you know? Charot. Wala. Ano bang maitutulong namin?" pag-iiba nito.

Joker's Curse [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon