Panimula

20 0 0
                                    

Raydyn Dizon

I dont even know how i can talk to you now
Its not you the you who talks to me anymore
Sure i know that sometimes it gets hard
But een with ally my-

"Ray! Andyan na ang papa mo, bumaba ka na muna dito."

Napahinga ako ng malalim tsaka inayos ang gitara sa gilid ng kama.

Paano ko ba to uumpisahan?

Nang makababa mula sa staircase ng bahay, agad kong nakita ang pigura ni papa.

Hindi ko alam kung ano ang dapat na sasabihin.

"Pa." Pagkatapos ko siyang binati ay niyakap ko siya nang di ganun kahigpit.

"Kamusta ka na? Medyo matagal tagal na rin nang huli nating pagkikita."  Sabi niya sabay ngiti ng malawak sa akin

Napatingin na lamang ako sa sahig. Naging maganda ba nung nawala si papa?

Napailing ako at sinuklian din siya ng ngiti. "Maayos naman ang pag-aaral ko kahit na sa Online. "

Napaisip siya sandali at nilibot ang tingin sa buong bahay.

"Asan na pala ang tita Emery mo? At si Sheryl, kamusta naman yung kapatid mo?" Sunod sunod niyang tanong habang nakatingin sa akin.

At the mention of their names, tila natigilan ako.

Ang ganda sanang sabihin na 'ayun, nagshoshopping at iniwan ako sa bahay, dahil hindi naman daw ako kailangan.

Since mom died, nawala na yung dating ako. Yung dating masayahin na puno ng sigla lagi, yung ngininginitian halos lahat ng taong makakasalamuha, yung dating ako na gumagawa ng masasayang kanta kasama siya. Si mama.

After 3 years nang pagkamatay niya, dad met and married Tita Emery. Along with her is her daughter, Sheryl, na halos kaedad ko lang. Then another story begun.

Akala ko magiging masaya ulit ako pag dumating sila sa buhay namin ni papa, dahil bubuo ulit kami ng isang pamilya.

But, thats what i thought

"Ray?"

Muli akong napabalik sa realidad.

Nagpilit ako ng ngiti tsaka iniba ang usapan.

Here it goes.

"Pa, may ihihingi sana akong favor sayo. Uhm," napaisip ako nang tamang salita at kung paano ko ito sabihin sa kanya.

Nang makapagtapos ako ng elementarya, sa isang totoong school, hindi na ako pinayagan nina papa na lumabas pa para pumasok sa high school.

Kaya pinapaaral lamang nila ako sa bahay. Hindi ko alam ang dahilan niya pero binalewala ko na lamang yun.

Hanggang ngayon hindi ako ganun kadalang lumabas ng bahay. Its either nasa garden ako o sa library o sa pinakapaborito ko sa lahat, ang music room.

Ilang taon ko nang ginagawang cycle yun. Hindi na ako nagtataka na pagkagising ko, naging malumay ako sa mga ginagawa ko.

Bigla ko nalang naramdaman ang panghinayang.

Napahinga ako ng malalim at tinignan si papa diretso sa mata.

"Papa, pwede po ba akong pumasok sa isang university ngayon na magiging college student na ako?" Dahan dahan at mahina kong pagkasabi. Napalunok na lamang ako nang makita ang seryoso niyang mukha.

My SenoritaWhere stories live. Discover now