Raydyn
"Manang, sinabi ba ni papa sayo kung kailan siya babalik?"
Sinubo ko ang natitirang pagkain sa aking plato tsaka siya tinignan, hinihintay ang kanyang sagot.
Pagdating ko kasi kagabi, naabutan kong walang tao sa bahay, sabi naman ni manang, maaga daw umalis si papa para sa isang business trip. Ulit.
Habang sina tita at Sheryl naman, pumunta daw sa isang resto at dun na nagdinner. Leaving me inside the house. But it feels great though.
"Isang buwan ang stay niya dun eh. Pero ang sabi niya, hindi pa siya sigurado, maari kasing sumubra pa ang pananatili niya doon, marami kasing dapat asikasuhin sa isa niyong branch eh. Yun lang naman ang sinabi niya, hija. "
Napatango naman ako ng marahan.
Kung ganon ay sila na naman ang makakasama ko sa bahay?
"Manang!"
Napabuntong hinga na lamang ako. Ayan na siya.
Nakaharap ang likod ko sa daan papuntang dining kaya hindi niya makikita ang mukha ko.
Nginitian naman siya ni manang na siyang ikinatawa ko ng mahina.
Alam ko kasing, nagtitimpi lang din yang si manang sa kanya. Ipagsigawan ba naman ang pangalan mo eh, hindi ka maiirita?
"May kailangan ka ba, Hija?"
Rinig sa dining ang pag 'click click ng kanyang sapatos hanggang sa katabi ko na siya sa mesa.
Patuloy lamang ako sa pag-inom ng gatas at hindi siya pinapansin.
"I want coffee." Tipid niyang sabi.
Demand pa more.
Umalis naman si manang para pumunta nang kusina, which is malapit lang naman sa posisyon namin.
Wala ni isa ang nagsalita sa amin.
Nang matapos kong inumin ang gatas ay tumayo na ako.
"Kaibigan mo na pala ngayon si Patricia ha, Ray?" Narinig ko ang pagbounce ng isang bola sa tabi niya habang pinakawalan ang mga salitang iyon.
Why didnt i noticed that ball earlier?
Hindi niya ako matatakot sa isang bola lang. Kaya naman ay dumiretso lamang ako ng lakad hanggang sa--craaack.
Napaatras ako agad nang mahulog ang tasa sa harap ko.
Ninakawan ko ng tingin ang bola sa may gilid at tinitigan si Sheryl. Nakalagaw na ngayon sa bibig niya ang sariling kamay, tila gulat na gulat sa nangyari. "Oops. "
Seriously? Kailan ba matatauhan ang isang to? Gusto niya akong pahirapan. Pero kung sa ganitong paraan lang naman pala ang gusto niya, hindi ko siya papatulan.
Gusto ko harap-harapan at idaan sa mabuting usapan ang lahat.
Nilapitan ko ang bola, na ngayon ay napag-alaman kong Volleyball ball. At dahan-dahang niligpit ang mga cracks na galing sa tasa. Buti nalang talaga at inubos ko ang inumin dahil baka hindi lang cracks ang lilinisin ko.
Hinarap ko si Sheryl tsaka binigay ang bola. "Mag-ingat ka sa susunod nang hindi ka makaabala sa iba. "
Bakas ang pagkagulat sa mata niya, anong akala niya? Susugod nalang ako bigla at mag-aaway na naman tulad ng lagi naming ginagawa?
Nakakapagod na ang paulit-ulit na away.
"Manang, mauna na ho ako. Thanks for the breakfast!"

YOU ARE READING
My Senorita
AcakFreedom is the choice to live one's life doing what one wants, eat by own choice and learn what one's heart desires. Bata palang siya masayahin na ito, masigla at mabait. Pero isang trahedya ang nakapagpababago ng kanyang buhay. Isang trahedya na s...