Kabanata 6

2 0 0
                                    

Raydyn

Napabuga ako ng malakas na hangin dahil sa mga nangyayari sa harapan ko.

Ang gulo-gulo nila.

"Uy Patot, bat ka nakahiga diyan?"

"Ang hina mo naman pala eh. Akala ko pa naman astig ka. "

Seriously? Ito, i mean sila talaga ang tropa ni Pat?

Napatingin sa akin ang isa sa kanila sabay kawit dun sa isa pang katabi nito at tinuro ako.

"Bago ata."

"Ewan ko sayo. Basta ako, magpapakilala ako sa kanya."

Nasa anim silang lahat na pumunta dito. Nainis na nga yung nurse dahil nasa sa lima lang ang capacity ng pwedeng pumasok sa clinic simultaneously.

Napatingin ako sa gawi ng nurse at nakitang kasama pa rin niya yung isang lalaki. Tinagurian ata itong playboy, dahil ang landi na nila ngayon.

Inalis ko ang tingin dun at gulat na napatingin sa mga mata ni Matt.

Habang nakikipagtigasan ng tingin sa kanya narinig ko ang pangalan kong binanggit nang kung sino. Kaya naman ay naibaling ang pokus ko sa nagsalita.

"Huh?" Tangi kong nasabi.

"I was just saying that they are the reason why i wanted us to go after lunch somewhere. Sila yung basketball team ng university. And ako ang student manager nila. " si Pat lang pala.

Teka. Nilibot ko ang tingin bawat isa sa kanila. Walang mukha ang pamilyar sa akin maliban kay Matt.

"Alam ko magulo ang lahat. But i want to introduce you to everyone here. Starting from ofcourse-i already introduced you to Matt. Start tayo kay Adam," sabay turo sa lalaking kasa-kasama ng nurse.

Adam? Christian name, pero bat parang baliktad naman ata ng ugali?

"Ito naman si Juri," tinuro niya yung lalaking nakikipagkulitan kanina kay Pat kasama yung isa pang lalaki. Nag wave lamang siya sa akin, kaya binalik ko din sa kaniya ang tugon. "Katabi niyan ay si Zeth," nakaupo na ngayon ang tinutukoy kong nakikipagusap kay pat at nginitian ako ng malawak.

Base sa mga kinikilos ng dalawang ito, siguradong makukulit sila.

Muli namang naagaw ang atensyon ko nang marinig na tumikhim ang isa sa bandang kaliwa ko.

"Ako nga pala si Vince. Nice to meet you, beautiful."

Namula naman ako bigla sa sinabi niya.

Napaubo naman yung isa sa likuran niya sabay hawi kay Vince paalis. Nilahad niya ang kanyang kamay sa akin, "Hill Johnson nga pala. "

Nginitian ko na lamang siya sabay tanggap ng kaniyang kamay.

"Tama na nga yan. " biglaang sabi ni Matt kaya naman lumingon agad ako sa kanya.

Nakikipagkaibigan lang naman sila, anu bang problema dun?

"Ray? Di ba may klase ka pa ng 1?"

My SenoritaWhere stories live. Discover now