Kabanata 1

3 0 0
                                    

Raydyn Dizon

"Oh, Ray, bat ngayon ka lang? Kanina ka pa hinahanap ng papa mo eh. Buti na lang at nakapagpaalam ka sa amin."

Napatango na lamang ako sa kaniya habang papalapit sa kitchen. Naghalughug sa may fridge, hoping for a desert.

Pinaakyat ko na kay mang Tip ang mga gamit sa itaas, he really insisted so i let him.

Habang naghahanap, naramdaman kong may humawak sa may bahaging noo ko. Nang tignan ko ito, si manang lang naman pala.

"Wala ka namang sakit, bat namumula ang iyong pisngi? May nangyari ba sayo hija?" Nag-aalalang tanong niya.

Napakapa naman ako sa sariling pisngi at napangiwi ng konti sa hapdi. Ang sakit pala masampal.

Nang binalik ko ang tingin ko kay manang ay nag-isip ako agad ng posibleng i-rason.

"Alam niyo naman ho kasi diba na matagal na rin nang makalabas ako sa bahay. Sa sobrang eksayted ko at di makapaniwala sa nangyari, eh, pinisil-pisil ko itong gawi ko. "Fake laugh. Fake laugh.

Sana kumagat.

"Yun ang dahilan." Pagpapatuloy ko.

Ayoko lang kasi ng gulo at siguro naman sa laki ng mundo, imposible naman ata na magkita pa kami ulit ng babaeng yun.

Paano kaya kung mangyari nga yun?

Haays. Napailing na lamang ako sa mga naisip. Mabuti pa puntahan ko na si papa.

Ahh. May itatanong pa pala ako bago yun. "Manang..."at binigyan ko siya ng nagtatanong na andiyan-ba-sila-tita emery-at-sheryl Look.

Nang makita ko ang dismayado niyang mukha. Alam ko na ang mensaheng ipinahihiwatig niya.

They are here.

Teka parang mali yung pagkasabi ko ah... dito nga pala sila nakatira. Napasapo na lamang ako sa noo.

"Mabuti pa maya-maya ka nalang pumunta sa opisina ng papa mo, at hanggat maari, iwasan mong makipag-away sa kapatid mo. Kahit anong mangyari, ikaw lang ang maasahan ko sa sitwasyon na ito, Ray. "

Napabuntong hinga na lamang ako.

"Opo. Pramis. Pero hindi ko po maipapangako na manatili nalang akong biktima palagi. Alam niyo naman ho kung gaano katagal na akong nagtitimpi sa kanila. Pero sa sinabi niyo dati, kinokontrol ko na ang sarili ko inkaso sa mga ganon. Kaya kahit mahirap, salamat pa rin ho talaga."sabi ko nang may ngiti sa labi

Sinuklian niya naman yun ng isang mahigpit na yakap. Para siyang si mama.

Na-miss ko tuloy siya.

"Kung nandito lamang si MarLyn, tiyak na magiging proud siya sayo. "

At the mention of my mother's name, tila sumasakit ang puso ko. Hindi ko kasi alam ang dahilan ng pagkamatay niya. Ni hindi man lang sinabi ni papa sa akin, nakakabasa ako ng mga mata, at sa tingin ko nung nakita ko ang mga mata ni papa, natatakot siya na may halong galit.

My SenoritaWhere stories live. Discover now