Kabanata 4

1 0 0
                                    

Raydyn

"Ray? Bumaba ka muna, pinapatawag ka ng papa mo. "

Napaangat naman ang tingin ko kay manang.

"Okay po. "

Napabaling ako sa desk at ang daming kalat na papel. Napakamot na lamang ako ng ulo, kasalukuyan kasi akong gumagawa ng project ko sa isa sa mga minor kong subject.

One day had passed after nung incident ng lalaking yun. And so far, wala akong naging problema except na lang siguro sa mga mini encounter with ms. Beatrice. Mark the sarcasm.

Hindi ko pa rin talaga nakakalimutan yung lalaking yun.  Bwisit siya, kala mo kung sino.

Smirk kasi mga men.

Pagbaba ko nang hagdan, agad akong napahinto kalagitnaan, anong ginagawa niyan dito?

Dahan- dahan akong bumaba nang hindi inaalis ang tingin ko sa kanya.

Parang kanina lang pinagsasalitaan ko pa siya ng masama

"Ikaw!. Bakit ka andito?" Pagtataka ko.

Una medyo nagulat pa siya sa presensya ko pero kalaunan ay nginitian ako ng luko. Tss.

"Ang ganda naman ng pambungad mo." Medyo umiwas siya ng tingin sa akin kaya naman napataas ako ng kilay.

Napataas na lamang ako ng kilay. "Wala kang pakealam dun. Sagutin mo nga muna tanong ko. "  medyo iritado kong pagkasabi.

Magsasalita pa sana siya nang bigla siyang napatigil at tumikhim.

Narinig kong bumukas ang pinto sa office ni papa kaya naman napaayos na rin ako ng tayo.

"Oh, andito ka na pala," bahagya niya akong binalingan at binalikan din agad ang tingin sa kaharap ko. "Nagkakilala na ba kayo?"

"Opo." Sabat ko ng may halong inis.
"Wala pa ho." Mabilis niyang tugon.

At sabay pa talaga kami.

Tinitigan ko siya ng masama pero nilakihan niya lang ako ng mata.

Pinagtitinginan ako ng magaling kong ama nang makahulugang tingin. Augh.

Binigyan ko siya ng wala-kang-makakalap-na-balita-mula-sa-akin look.

So, ano to?

"Siya si Percy. Percy Mariano, anak siya ng Mang Tip mo kaya pakabait ka. Siya ang magsisilbing mata ko sa loob ng school. "

Napabaling ako sa lalaking kumag nang bigla nitong nilahad ang kaniyang kamay sa akin.

Processing...

"To put it simple, siya yung tinutukoy kong babantay sa iyo dun. If you do anything that is unusual, malalaman at malalaman ko rin agad. So better be careful. Ngayon na may tinatago ka, kailangan mong magdoble ingat para hindi ka mabulilyaso. You know its for your own sake. "

T-teka lang.

Muli akong napatingin sa mokong na to at tinignan siya ng buong pagtaka.

Siya? Siya ang babantay sa akin?

Sa naalala ko, siya ang sumira sa maganda kong araw bilang isang certified student ng isang actual school.

"Tanggapin mo na. Maawa ka naman sa akin, nangangalay na oh." Pabulong niyang sabi.

Napabuntong hinga na lamang ako.

Ano pa nga bang magagawa ko? Kaya Tinanggap ko yun nang hindi siya tinitingnan.

My SenoritaWhere stories live. Discover now