Raydyn
Alam niyo yung awkward?
Ito yun eh.
Pinagigitnaan ako ng dalawang lalaki. With an awkward silence habang nakikinig sa prof.
Nasa gitna na ng discussion nang bigla na lang dumikit ang kumag sa akin.
Napataas naman ako ng kilay sa kanya. "Ang sikip na ha." Reklamo ko.
"Para kasing kiti tung katabi ko eh. Pwedeng maki-adjust ka na lang?" Bulong niya pabalik.
Aba. Wala akong pake kung parang kiti yang katabi niya, ako pa talaga ang mag-aadjust?
"Ayoko." Pagmamatigas ko.
Pero ayaw niya talagang magpaawat.
Mas dumikit pa siya sa posisyon ko hanggang sa may naramdaman akong hapdi sa kanang braso ko.
"Agh." Ngiwi ko.
Narinig kong tumikhim ang prof sabay salubong ng kanyang kilay sa gawi ko.
Humingi naman ako ng pasensya kaya di na niya ako pinagalitan pa.
Tinignan ko ang sariling braso at napansing magkadikit na pala ang braso namin ni Matt.
Hala.
Kaya naman pala ang sakit eh. Teka parang may tumititig sa akin ah?
Pagkaangat ko ng tingin sa kaliwa nakatitig sa braso ko si Percy. Pagtingin ko naman sa kanan, ganun din si Matt.
Baka siguro naiinis na tung dalawang to sa sikip.
Naku, huwag naman sana.
"Excuse me sir,"
Wait, anong ginagawa ng kumag na to?
Napaangat ng tingin sa amin yung prof. "Yes, mr. Mariano?"
"Will you let ms. Martinez and i excused for a moment? Pupunta lang muna kami ng clinic, sir."
Nanlalaki ang mata nang hinarap ko siya. Nagpabaling baling ng tingin sa amin ang prof.
Mas nagulat pa ako ngayon at nakitang nakatayo na rin si Matt. "Me too, sir. "
Mas lalong kumunot ang noo ni sir at tinignan kaming tatlo isa isa.
Kinurot ko sa tagiliran si Percy na siya namang namilipit sa sakit.
"May problema ba kayo diyan sa taas?"
"Ray is hurt. " tipid na sabi ni Matt.
Nagulat si sir tsaka sumang ayon agad.
"U-uy, teka. Sir, di naman masyadong masakit eh. Tsaka--"
"No, you need an aid for that."
"Tara na." May diing sabi ng dalawa sabay hila sa akin pababa at palabas.
What just happened?
At bakit kasama ko pa talaga tung dalawang to?
Kasalukuyan akong nakaupo ngayon at ginagamot ng nurse ang braso ko.
Pansin ko ang pagkakailang nung nurse.
Napairap naman ako. Bakit? Paano hindi madidistract ang nurse kung ang dalawa ay titig na titig sa bawat galaw ng nurse at pagdampi ng bulak sa sugat.
Bakit pa kasi ako nandito, eh ang liit lang naman ng sugat.
Ang o-oa nila.
Nang makatapos ang paggagamot sa akin. Hinayaan kami ng nurse at bumalik na sa mesa nito sa labas.
YOU ARE READING
My Senorita
RandomFreedom is the choice to live one's life doing what one wants, eat by own choice and learn what one's heart desires. Bata palang siya masayahin na ito, masigla at mabait. Pero isang trahedya ang nakapagpababago ng kanyang buhay. Isang trahedya na s...