Kabanata 3

3 0 0
                                    

Raydyn

12:15. Lunch break na.

Nagsitayuan na ang mga tao nang tuluyang umalis yung prof.

Napabuntong hinga naman ako, at tumayo na rin sa kinauupuan.

It's been a tough day.

After nung insidente kay Beatrice, Pat and i parted ways. Nasa kabilang building pa kasi yung papasukan niya. While nasa the same building naman ako ng una kong klase pupunta.

We talked. I mean, a lot of talk.

Nalaman ko rin na, nagma-minor siya sa sports. Sa dinami-dami naming pinag-usapan, asking her about it slipped my mind.

Major siya in business management. Nakwento nga rin pala niya kung gaano siya kabilib kay papa.

She's funny too.

Nag-joke kasi siya kanina, tapos hindi ko nakuha yun. Kaya hindi ako nagreact, pero nung makita ko yung seryoso niyang mukha, napatawa na lamang ako ng malakas.

Para na kasi siyang sasabog na hindi ko maintindihan.

*ting*

Napatayo naman ako ng maayos. Sino kaya to?

Pat: lunch nyo na ba?

Si Pat lang naman pala. Muntik na akong kabahan dun ah.

Ray: yup. Sabay tayo!

Napalibot ang tingin ko sa paligid at kanya-kanya ring nagsialisan ang mga tao mula sa kanilang mga klase.

Crowded tuloy dito sa hallway.

Napabaling ako sa phone na hawak habang hinihintay ang reply ni Pat.

*click*

Ano yun?

Napakunot naman ang noo ko. May narinig talaga ako eh.

*click*

Napabaling ako sa may gilid at nanlalaki ang matang tinuro siya.

"A-anong ginag-gawa mo?" Nanginginig kong tanong habang nagtatakip ng mukha.

Nataranta naman siyang napatingin sa akin at sa camera na dala.

"Huh? Ah, ano."

"Kinuhanan mo ako ng litrato. I-delete mo yun please. " pagmamakaawa ko.

Muling sumakit ang ulo ko at bumalik na naman yung mga ingay.

*click* *click*

Augh!

"Hala. Naririnig mo ba ako? I said i was sorry. And na-delete ko na rin yung kuha ko sayo. "

Muli akong napabalik sa huwisyo at napatayo ng maayos.

Tumikhim ako at hinarap siya. "H-huwag mo na sanang uulitin pa yun."

Napatango naman siya. Nagulat ako nang bigla siyang ngumiti at nilahad ang kanyang kamay sa akin.

"Ako nga pala si Xyrhon. Tsaka, pagpasensyahan mo na ako kanina, may ginagawa kasi akong article at kasalukuyang kumukuha ng mga magagandang view. Sakto naman at nakita kita. Ang ganda ng view oh. "

Bolero. "Ewan ko sayo. "

"Totoo naman kasi. Ngayon nga lang kita nakita eh, freshman?"

"Oo. "

"Kaya naman pala. Well, maganda ka. At may kamukha. Hmm."

Nanliit naman ang mata ko.

My SenoritaWhere stories live. Discover now