Raydyn
"Pa, just tell me already. Malalaman ko rin naman yan mamaya, why not now?"
Kanina ko pa kinukulit si papa na sabihin sa akin kung si Percy Mariano nga ang makakasama ko. Pero ayaw talaga niya magpatinag.
Uminom siya ng kaniyang kape tsaka binalingan ang dyaryo na hawak.
Augh.
Narinig ko ang mga yapak mula sa taas kaya napalingon ako dun. Si Sheryl lang pala.
Napatingin ako sa kaniyamg damit habang papunta sa gawi namin.
Whoo. Dress talaga eh no?
"Mauuna na ako dad. "
Napatango naman si papa, tsaka binaba ang dyaryo sa mesa. "Mag-ingat ka lagi. "
Naramdaman kong napatingin siya sa akin at napataas ang kilay habang ni-scan ako pababa.
Napatingin na rin ako sa suot kong t-shirt at ripped jeans, at wala namang kakaiba.
Ah. Oo nga pala, Napairap na lamang ako mentally.
Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko, nagsalita bigla si papa na siyang pumukaw ng atensyon ko.
"Magpahatid ka na kay Mang Tip, mali-late ka na oh."
Hays. Aalis na sana ako nang may nakalimutan pa siyang sabihin.
"Oh, i almost forgot to tell you na, i already fixed your papers. No need to worry about your id though, here. "
May bigla siyang binigay sa akin na id. Is this for real-real?!
All smiles akong bumaba ng garahe kung saan naghihintay si mang Tip para ihatid ako.
Dala-dala ko ang bag ko na binili ko sa mall, its not that big nor small. Tama lang para pagkasyahin lahat ng gamit ko.
Habang nasa byahe, pansin kong pangiti-ngiti si Mang Tip.
Nang tinanong ko siya tungkol dun, parang wala namang kakaiba.
"Naku, huwag mo lang akong pansinin Ray, maganda lang kasi talaga ang panahon kaya masaya rin ako. "
Kailan pa naging close sa environment si Manong? Nakakapagtaka naman.
"Talaga ho ba? "
Tinawanan niya lamang ako.
Weird.
Lahat nalang ba ng tao sa paligid ko weird? Haays.
"Andito na tayo. "
Agad-agad?
Napabaling ako sa labas ng bintana at napamangha sa ganda ng disenyo ng lugar.
Pagkaalis ni mang Tip, ang siya ring pagkapasok ko sa school. Ang daming tao.
May malaking track and field sa gitna, may mga malalaking gusali sa may gilid nito, at makikita mo talaga mula dito ang garden with a fountain.
Ito na talaga. Napapikit ako sa sarap ng feeling.
*kriing* *kriing*
Teka, parang may naririnig akong ingay eh. *krriiing*
Napamulat ako agad nang may sumigaw na.
"Umalis ka diyan miss!"
Shocks. Motor!
Makalipas ang ilang segundo ay nasa harapan ko na ang driver nung motorsiklo. "Magpapakamatay ka ba? " ramdam ko ang inis sa kanya habang binibitawan ang mga salita.
YOU ARE READING
My Senorita
RandomFreedom is the choice to live one's life doing what one wants, eat by own choice and learn what one's heart desires. Bata palang siya masayahin na ito, masigla at mabait. Pero isang trahedya ang nakapagpababago ng kanyang buhay. Isang trahedya na s...