Isa ka sa mga taong aking pinagkatiwalaan,
Isa ka sa mga taong aking pinahalagahan,
At isa ka sa mga taong nagbigay sa akin ng kaligayahan,
Ngunit ito'y nagbago kalaunan.Bigla nalang nawala lahat ng kasiyahan at napalitan ng lungkot,
Ang pusong masayahin ay napuno ng puot.Nag-iba ka na talaga,
Hindi na ikaw yung dating kaibigang kilala
Tama nga sila,
Na sa huli mag-aaway lang tayong dalawa.Napakasakit kase ng iyong ginawa,
At yung sakit na iyon ay napakatagal mawala
Lahat na siguro ng tungkol sayo ay kinaiinisan ko,
Pano ba naman kase napaka pabida moSana hindi nalang kita nakilala,
Kung alam ko lang na ako'y tatraydorin mo lang pala
Ang akala kong kaibigan hanggang sa dulo,
Ngayon ay dahilan na ng matinding gulo.
YOU ARE READING
Soul In Words
Poetrypo·em /ˈpōəm,pōm/ noun is a collection of spoken or written words that expresses ideas or emotions in a powerfully vivid and imaginative style.