Naghihinayang,
Nanghihinayang sa mga alaalang nasayang
Nanghihinayang sa mga usapang naglaho,
Nanghihinayang dahil bigla akong bumitaw sa ating pangakoNapakasaya natin noon mahal ko,
Sa bawat usapan nati'y nakatitig ako sa mga mata mo
At binubulong sa sarili na napakaswerte ko dahil nakilala kita,
Ikaw kase yung tipong mala anghel ang katangian at ang mukhaHanggang sa isang araw ay nakagawa ako ng kasalanan,
Kasalanang makakapagpabago sa relasyong nasimulan
Mahal pasensya na dahil kailangan kitang iwan,
Kase may mag-ina akong kailangang panagutanNagsisisi at naninibugho,
Dahil ang pitong taon nating relasyon ay biglang gumuho
Gumuho dahil lang sa isang gabing pagkakamali,
Sana'y ang oras ay bumalik pang muliAng sabi mo'y "mas kailangan ka nila",
Ang tanga-tanga ko talaga
Ang bait-bait mong tao tapos sinaktan lang kita,
Bakit ko ba nagawang pagtaksilan ka?Mahal nanghihinayang ako,
Dahil ang bobo kong tao
Kung maibabalik lang sana ang panahong nagdaan,
Hindi na sana ako gumawa ng kataksilan
YOU ARE READING
Soul In Words
Poetrypo·em /ˈpōəm,pōm/ noun is a collection of spoken or written words that expresses ideas or emotions in a powerfully vivid and imaginative style.