"Ano Ba Talaga?"

70 21 1
                                    

Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo,ikaw yung nakatagpo ko?

Bakit sa dinami-dami ng dapat mahalin,ikaw yung minahal ko?

At bakit sa dinami-dami ng dapat mong saktan,ako yung natyempohan mo?

Nag-umpisa tayo sa kumustahan,
Na nauwi sa pagkakamabutihan,
Tapos kinalaunan ay nagmahalan,
Nagmahalan na nauwi sa hiwalayan,
Hiwalayan na hindi man lang alam ang eksaktong dahilan,
Dahilan na hindi man lang pinakinggan,

Hanggang ngayon,
Hindi ko parin nakakalimutan ang nakaraang panahon
Hanggang ngayon,
Hindi ko parin magawang kalimutan yung nangyari noon
Hanggang ngayon,
Hindi ko parin kayang bumitaw sa nakaraang relasyon

Ang gusto ko lang naman sana ay kalimutan ka,
Pero ano ba talaga ang problema?
Bakit pilit kong binabalikan ang nakaraan?
Bakit ko pinipilit na balikan ang panahong nagdaan?

Ano ba talaga ang gusto ko?
Ang ibalik ang pag-iibigang gumuho?
O kalimutan nalang at humanap ng bago?

Soul In WordsWhere stories live. Discover now