"Muling Pagkagiba ng Tiwala"

40 8 0
                                    


Nakakainis,
Pinilit akong nagtiis
Akala ko'y totoo ko kayong kaibigan,
Yun pala'y kilala nyo lang ako pag kayo'y may kailangan

Tinutulungan ko naman kayo,
Pero bakit ang tingin nyo saaki'y isa lamang anino?
Palagi nalang akong nasasawi pagdating sa mga kaibigan,
Palaging dini-dedma at iniiwan

Ngayo'y nawasak na naman ang aking pagtitiwala,
Ang magandang tingin ko sa pagkakaibiga'y nawala
Mukhang sa susunod ay hindi na ako magsasayang ng luha,
Dahil wasak na wasak na ang puso kong sa pagkakaibiga'y walang napapala

Soul In WordsWhere stories live. Discover now