Dedicated to my elem bestfriend.Hoy! Kamusta?
Kaibigan ko nung elementarya
Ang laki na ng pinagbago mo,
Yung itsura,yung kilos, at pati pakikitungoIkaw yung katabi ko sa upuan,
Palagi tayong nagtatawanan at nagkukwentuhan
May mga sekreto rin tayo noong iniingatan,
At minsa'y may pagkakalabuanNaalala ko yung mga araw na malapit na tayong magtapos sa elementarya,
At nagplano pa tayo kung saan mag-aaral na dapat tayong dalawa'y magkasama
Ngunit may pera kayo at ang pamilya ko'y walang-wala,
Yung buhay nami'y mas mahirap pa sa dagaHindi ako makakapasok sa eskwelahang pribado,
Dahil wala kaming miski isang libo
Pero ikaw ay may pamilyang mayaman,
May ipambabayad kayo sa tuition mo kahit magkano pa manKaya ayun tayo'y naghiwalay ng landas,
Ako'y sa ibaba at ika'y sa itaas
Ngayo'y may napakarami ka nang kaibigan,
At sa aking palagay ako'y iyo nang nakalimutanPero masaya ako sa ating pinagsamahan,
Sa mga tawanan at hindi pagkakaintindihan
Kahit may mga kaibigan ka nang bago,
Hindi kita makakalimutan kaibigan ko
YOU ARE READING
Soul In Words
Poetrypo·em /ˈpōəm,pōm/ noun is a collection of spoken or written words that expresses ideas or emotions in a powerfully vivid and imaginative style.