Ako yung tipo ng babae na mahilig sa mga kuwentong pag-ibig,
Gustong-gusto ko kase na makaramdam ng kiligNagpapantasya sa mga gwapong karakter ng bawat istorya,
At iniisip na ako yung babaeng bidaHanggang sa makilala kita ng hindi inaasahan,
Naging mabagal ang ikot ng mundong kinatatayuan
Naging hugis puso ang mga matang ayaw ilayo ang titig,
Naging bato ang aking nakangangang bibigPinagmamasdan sa malayo ang mukha mong perpekto,
Pinagmamasdan ang mga mata mong sa sobrang itim ay tila ba malulunod ako
Pinagmamasdan rin ang labi mong mapula't manipis,
Na tila ba para itong mansanas na nag-uumapaw sa tamisGumawa ako ng isang liham,
Para malaman mo ang aking dinaramdam
Dinaramdam sa tuwing ika'y aking nakikita,
Dinaramdam sa tuwing nagkakabunggo tayo't ngumingiti kaAlam ko namang imposibleng maging tayong dalawa,
Imposible kase may gusto ka sa iba
Pero hindi parin ako nagpatinag sa rasong ito,
Dahil sinunod ko parin ang nararamdaman koKalaunan ay ibinigay ko sayo ang liham na ginawa,
Pinaghirapan ko ito ngunit hindi ka man lang naawa,
'Di mo man lang binasa ng masinsinan,
Ang sabi mo pa'y "Ayoko nyan,di ko maintindihan."Nasaktan ako sa ginawa mo,
Bakit ba kase ang hopeless romantic ko?
Yung tipong kahit alam kong masasaktan ako,
Nagawa ko pa ring ibigin ang tulad mo:dedicated to SpongePumpkin27 hehe
YOU ARE READING
Soul In Words
Poesiapo·em /ˈpōəm,pōm/ noun is a collection of spoken or written words that expresses ideas or emotions in a powerfully vivid and imaginative style.