"Love Team"

29 6 0
                                    


Sa bawat palayong hakbang na iyong tinatahak,
Sa bawat luhang pumapatak
Sa bawat pintig ng pusong wasak,
At sa hikbing naririnig sa bawat iyak

Narito ako,
Naghihintay na balikan mo
Naghihintay na muling mabuo ang "tayo"
Naghihintay na muling makompleto ang puso

Nasaan kana,
Nasaan kana aking sinta?
Wala na bang pagmamahal na natira?
Wala na bang natira dahil ito'y ubos na?

Para tayong mga love teams sa bawat pelikula,
Pinagtagpo pero di itinadhana



Soul In WordsWhere stories live. Discover now