Sa gandang iyong tinataglay,
Ang aking mundo'y napupuno ng kulay
Sa mga ngiting iyong ibinibitawan,
Ang puso ko'y parang tumalbog sa kawalanSa bawat salitang iyong sinasabi,
Ang kislap ng iyong mga mata'y parang tala sa gabi
Sa bawat pagdampi ng ating mga kamay,
Ang aking paligid ay nawawalan ng lumbayIkaw ay itinuturing kong mundo,
Dahil unang kita ko palang sayo'y nabihag mo na ang aking puso
Ngunit hindi tayo talo,
Babae ka at babae rin akoMahal kita ngunit babae tayong dalawa,
Paano na itong dinaramdam ko aking sinta?
Hindi ko maisip ang dapat gawin,
Nalilito, naninibugho, at ang utak ay puno ng hanginHindi ko kayang bitawan nalang itong pagmamahal ko para sa iyo,
Dahil ikaw ang bumubuo sa pagkatao ko
Bahala na kung babae tayong dalawa,
Kahit hindi tayo talo mahal pa rin kita
Dedicated to all girls having same sex relationship. Wish you all the best:)
YOU ARE READING
Soul In Words
Poesiapo·em /ˈpōəm,pōm/ noun is a collection of spoken or written words that expresses ideas or emotions in a powerfully vivid and imaginative style.