"LDR"

34 10 4
                                    

"Magkalayong pag-iibigan,
Maraming pinagdaanan"

Nakilala kita sa social media,
Sadyang pinagtagpo ang puso nating dalawa
Hindi ko inasahang ako'y mapapamahal,
Sa taong hindi ko man lang nakilala sa personal

Ngunit sadyang ang tadhana'y mapaglaro,
Ako'y nahulog sayo at ako'y iyong sinalo
Lubos na nagpapasalamat dahil sa tuwing nangangailanga'y nariyan ka,
Lubos na nagpapasalamat kase dahil sa iyo nabuo ang pusong nangungulila

Kahit na tayo'y malayo sa isa't-isa,
Ang distansya ay hindi hadlang sa pagmamahalan nating dalawa
Sana ay magpapakatatag ka,
Sana hindi mo ako ipagpapalit sa iba

Mahal, kahit ilang kilometro ang layo ko sa iyo,
Sana ito'y tandaan mo
Mahal kita kahit dumaan pa ang maraming bagyo,
Mahal kita kahit milyong milya pa ang lalakbayin ko
Mahal kita prinsesa ko.


Dedicated to: blackspectacular 💕

Soul In WordsWhere stories live. Discover now