Ngayon ako'y nagbabasa,
Sa mga kuwentuhan nating dalawa,
Mga kuwentuhang matagal mo nang kinalimutan,
Kinalimutan at inilagay sa napakasikip na libingan.Nagkakilala tayo sa probinsya,
Kung saan nakilala ko din ang iyong mga barkada
Masayang nagkukwentuhan gabi-gabi,
Nagbibigay ng mga payo at mga ngiti.Hanggang sa isang araw ay may mensahe kang ipinadala,
Mensaheng nagpabago sa tibok ng pusong mahiwaga
At doon na nagsimula ang koneksyon nating dalawa,
Koneksyong sino kaya talaga ang may pakana?Nagtagal ang ating kuwentuhan,
At doon ko nalaman ang mga sekretong iyong kinaiingatan
Nagbigayan ng payo,
At nagkalapit ang ating mga puso.Naikuwento mo isang araw ang tungkol sa nakaraan mong pag-ibig,
Ang sabi mo pa'y ang ingay-ingay daw ng kanyang bibig
Pinipilit na kayo'y magbalikan,
Ngunit tugon mo'y "Hindi ko na sya hahayaan".Pinayuhan kitang sundin ang iyong nararamdaman,
Para hindi ka na nya masaktan
Ang sabi mo pa'y "May bago na akong napupusuan",
At doon kumirot ang puso ko ng biglaanMarami ka pang kuwento tungkol sa kanya,
Yung babaeng ipinagpalit ka
Minsan nga ay nagiging emosyonal ka,
Halata namang apektado ka paNgunit lumipas ang ilang araw na pamamalagi sa lugar nyo,
Kailangan ko na palang bumalik sa puder ko
Sa gabing ako'y paalis na,
Kitang-kita ko ang lungkot sa iyong mga mata"Pwede isang araw pa?"iyan ang iyong sinabi,
Ngunit gustuhin ko man ay walang magagawa ang aking sarili
Paalis na sana kami at dadako sa bayan,
Ngunit ako'y may nakalimutanNakalimutan ang pusong naiwan sayo,
At ang nag-iisang sapatos ko
Ito'y aking binalikan,
At doon tayo'y nagkausap at ipinagtapat mo ang iyong nararamdaman.Ngunit walang sapat na oras para dito,
Kailangan na talagang makaalis kundi ay maiiwan ng barko
Nangako akong babalik sa susunod na bakasyon,
At nangako ka ding hindi na mag papaapekto ng nakaraang relasyon." Hihintayin kita"
Ang mga katagang hindi mawala-wala
"Sana'y tutupad ka sa iyong mga sinabi",
Iyan ang hiling ko gabi-gabi.Makaraan ang ilang buwan,
Ako'y may nabalitaan
Isang balitang sobra akong nasaktan,
Nabuo ulit ang pag-ibig sa nakaraan.Ang saya-saya mo,
Akala ko pa naman ay tutupad ka sa pangako
Akala ko'y hindi ito maglalaho,
Ngunit ikaw lang din pala 'tong lilikoNasaan na yung mga katagang iyong binitawan?
Bakit ikaw pa yung nang-iwan?
Akala ko ba hihintayin mo ang pagbalik 'ko?
Bakit bigla atang nagbago ang mga pangakong sinabi mo?Masaya ka naman sa kanya,
Pero nakalimutan mong may pangakong binitawan ka
"Hihintayin kita",
Mga katagang naglaho ng parang bula.:this poem is kinda long haha
YOU ARE READING
Soul In Words
Poetrypo·em /ˈpōəm,pōm/ noun is a collection of spoken or written words that expresses ideas or emotions in a powerfully vivid and imaginative style.