chapter 8.

5.3K 90 0
                                    

    " may pa sabi sabi pa siyang mahalaga ako sa kanya! Iyon pala kalokohan lang pala ang lahat.! " inis kung sabi sa sarili ko..

Dumating kasi kanina ang isa sa mga babae nito...

Akala mo kung sinong sinisilihan dahil sa sobrang pagkataranta..

" edi don na siya sa babae niya! Pakialam ko sa kanilang dalawa! Wala namang kami eh.." Sabi ko ulit

" wala na ngang kayo pero, bakit galit ka diyan .... Kulang nalang ay sumugod ka sa kanila eh!" Sabad ng isip ko

"Hindi ako galit okey... At bakit ka ba sumusulpot bigla ha!" Sabay turo sa sarili ko..

"Hindi daw galit?... Nag jo-joke kaba te... Nakakatawa ha!"

Abat!!!

Kulang na lang ay sabunutan ko na ang sarili..

" segi na inaamin ko na! nagseselos at nagagalit ako... Kasalanan ko ba iyon .....eh itong damdamin ko hindi ko mapigilan at mautusan na tama na.. Tapos na... P-pero bakit ganoon... Siya parin kasi eh... Hanggang ngayon siya parin..." Napaupo na ako sa tindi ng emosyon ko ngayon , pati luha ko ay hindi ko mautusang huminto...

" ngayon nagdra-drama ka na ..! Tinatanong lang naman kita ha, bat umiiyak ka na diyan?".

Bwesit talagang konsensiya ito.. Moment ko to eh!

" buti pa tumahimik ka diyan at na iinis na ako sayo! ... Ginalingan ko na eh.. Malapit na sa climax ang acting ko pero binara mo naman ako!!" Galit na galit kung turan...

Tumayo na ako at nagpasyang lumabas ng bahay total ay wala naman ang impakto siguradong hindi iyon uuwi..

Total alas 3 palang ng hapon at hindi na masakit sa balat ang sinag ng araw, maganda rin ang panahon..

Sa pagkakatanda ko ay may park sa subdivision na ito..

"Aw!aw!aw!"

My god aso panaman ang isa sa mga kinatatakutan kung hayop, kasi nong bata pa ako siguro ay na sa elementary pa ako noon, napagpasyahan naming magkaklase na kumuha ng bayabas ila mang andong....

Nakakuha na silang lahat maliban sa akin, medyo maliit pa kasi ako noon kaya ang nangyari ay umakyat ako sa may patungan ng bulaklak...

Laking tuwa ko ng  makakuha akk ng isa at malaki din iyon.. Pagtingin ko sa mga kasama ko para ipakita ang nakuha ko ay wala na sila ..

Iyong iba ay nasa malayo na at mabilis na tumatakbo iyong iba naman ay umakyat sa mga masasangang puno malayo kina mang andong...

Bumaba na ako para makauwi na alam ko kasing hinihintay na ako ni nanay..

Nakakailang hakbang palang ako

"Aw!aw!aw!"

Nakalimutan kung may mga aso pala sila mang andong... 

Kumaripas ako ng takbo pero sa kasamang ay nadapa ako...

And then at the end of the story ay nakagat at nahospital ako..

Kaya hanggang magdalaga ako ay ayokong makarinig ng kahol ng aso at galit din ako sa bayabas...

Back to reality....

Napansin ko nalang na may dumidila sa may paa ko ... Pagtingin ko ay isang maliit na aso na may malalaking mata.. Imbes na tumakbo at matakot ay hindi ko nararamdaman... Ang cute nga ng asong ito eh..

Umupo ako at tinap ang ulo nito.. Bigla nalang itong humiga at naro roll ... Natawa ako sa ginawa niya.. Hindi naman pala lahat ng aso ay nangangagat agad...

" hahaha ang cute mo naman ... Ano ba ang pangalan mo" tanong ko sa aso..

"Calvin"

" hala! Nagsasalita ka! Ang galing naman.. So calvin ang  name mo .. Hi calvin " masayang sabi ko

Ang weird na man ngayon ko lang alam na pwd palang magsalita ang aso..

" you, what' s your name miss pretty?"

At dyahe nag english pa.. Sosyal siguro to..

" hahaha kahit pala aso bolero... Tin nalang ang itawag mo sakin"

Tiningnan lamang siya nito...

" oh? Bakit ayaw mo nang magsalita? Usap muna tayo ..." Sabi ko ulit..

Tumingin lang ito sakin..

May tumikhim sa likuran ko....

At diyos ko po! Ang gwapo naman nito... Parang may pagkakahawig ni dingdong dantes na crush ko . .

" yes ?, bakit?" Tanong ko

Ngumiti muna ito... Kitang kita ko ang pantay na pantay niyang ngipin at ang puti! Pweede pa ata tong mgcommercial model sa toothpaste eh...

" actually miss... " panimula nito

My god bakit ka boses niya ang aso.. Ibig sabihin ay...

Nakakahiya! Baka isipin nito na baliw ako.. Pati aso kinakausap ko...

" hindi nagsasalita ang aso ko..." Sabi ulit nito

Namula bigla ang magkabilang pisngi ko..

Ok ako na ang tanga! ...

Tanga na nga sa pag ibig... Pati ba naman sa isip..... Kainis!

" hehe akala ko kasi a-ano..." Kumamot nalang ako sa tenga ko nakakahiya kasi..

Tumawa lang ito.. Pero hindi naman nakaka offend sa feeling..

" s-segi alis  na a-ako" sabi ko nalang..

Tumalikod na ako para puntahan ang park..

" wait lang miss pretty .... " pigil nito sa akin..

Huminto ako para tingnan ulit ito..

" sa may park ka ba pupunta..?" Tanong ng lalaki..

Tumango nalang ako..

Ngumiti ulit ito.. " good! Dun din kasi ang punta namin ni calvin.. And by the way I'm trey" sabay abot ng kamay nito..

Nahihiyang inabot ko naman ang kamay ko..

" lets go" sabi nito..

At sabay na kaming naglakad papunta sa park...

Habang naglalakad napapansin kung parati siyang sumusulyap sa  akin at nakakailang din iyon...

Pinagsawalang bahala ko na lang mukhang mabait naman ito eh..

Pumwesto kami sa may nakausbong matandang puno, medyo wala ring gaanong tao..

" kanina ko pa napapansin na malungkot ka at ang lalim ng iniisip mo" puna ng lalaki

Halata na bang na s stress ako sa impaktong iyon...

" hindi naman, may iniisip lang ." sabay ngiti o mas matatawag na ngiwi..

Ngumiti nalang ito halatang hindi kumbinsido...

Kasalanan ng imapkto ito eh!
--------

C.G.






 

   Im his Slave Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon